Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: Regional Skills Competition, nagsimula na sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 26 (PIA) – Makalipas ang anim na taon, sinimulan na ang Central Luzon Regional Skills Competition (RSC) kahapon na dinaluhan ng daan-daang estudyanteng teknikal at vokasyunal sa buong rehiyon sa Bulacan Capitol Gym.

Pinangunahan nina Secretary Joel Villanueva ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Gobernador Wilhelmino Alvarado ang pagputol sa ceremonial gold chain upang buksan ang kompetisyon na tinaguriang “Olympics” ng mga trabahong pisikal.

Sinabi ni Alvarado na mapalad ang Bulacan na pamunuan ang RSC na huling idinaos anim na taon na ang nakararaan dahil magbibigay aniya ito ng pagkakataon sa mga mananalong kalahok upang katawanin ang rehiyon sa Philippine National Skills Competition (PNSC) and the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Skills Competition ngayong taon.

“Malaking tulong ito para sa mga kababayan natin na gustong magkaroon ng magandang kinabukasan. Muli na namang maipapamalas ng ating mga kabataan at mamamayan ang taglay nilang galing at talino na in-demand ngayon sa ibang bansa,” ani Alvarado.

Ayon kay Villanueva, sinisimbolo ng seremonyal na pagpuputol ng tanikala at pagsisindi ng unity torch ng pitong provincial director ng TESDA sa Gitnang Luzon ang kahusayan ng mga Pilipino bilang manggagawang may natatanging kakayahan sa buong mundo.

“Hindi lang ito upang isulong ang diwa ng palakasan, ng galing at talino at ang pagiging espesyalista. Ipinapakita nito na sa TESDA, may pag-asa at trabaho,” ani Villanueva.

Ang mga magwawagi ng ginto sa RSC ang kakatawan sa Gitnang Luzon sa PNSC na gaganapin sa Visayas sa Pebrero, at ang mga mananalo naman sa PNSC ang lalahok sa ASEAN level sa Indonesia sa darating na Marso.

Magtutunggali ang mga kalahok sa 18 trade area kabilang na ang mechanical engineering design-CAD, information technology and softwares, welding, web design, electrical installation technology, cabinet making, joinery, men and women’s hairdressing, beauty therapy, fashion technology, automobile technology, cooking, restaurant service, refrigeration, graphic design, electronics, information network cabling and mechatronics. (CLJD/VFC/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines