Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: Balagtas, nagkakaloob ng 24 oras na serbisyong medikal

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 27 (PIA) -- Patuloy na tumatanggap ang mga residente ng bayan ng Balagtas ng serbisyong pangkalusugan na “walang tulugan” dahil sa 24 na oras na operasyon ng lying-in clinic dito at pagkakaloob ng libreng PhilHealth card.

Sinabi ni Municipal health officer Dr. Genivelle Galvez na laging handa ang rural health unit (RHU) ng bayan, partikular na ang lying-in clinic, upang magbigay ng tulong medikal sa mga buntis , pangangalaga matapos ang panganganak, libreng laboratory test, at medical at dental check-up.

Sa tulong ng nakaantabay na dalawang mga doktor at dentista, nagbibigay din ang Balagtas-RHU ng bakuna sa mga bata, oryentasyon tungkol sa family planning at vasectomy, blood donation at programa kontra sa tuberkulosis at dengue.

“Walang tulugan sa serbisyong pangkalusugan ang handog ng lying-in sa Balagtas na bukas 24 oras para sa mga taga-Balagtas na nangangailangan ng atensyong medikal,” ani Rolly Dañes, municipal information officer.

Sinabi ni Dañes na nagkaloob si Mayor Romy Castro ng libu-libong mga PhilHealth insurance card para sa mga mahihirap na pamilya upang makaranas sila ng kapanatagan sa panahon ng pagkakasakit.

Ayon kay Mary Carmen, pinuno ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), 1,296 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap na ng insurance card.

Dagdag pa rito, naghahandog din ang bayan ng Balagtas ng tulong pinansyal sa mga residente nito na kailangan ng perang pambayad sa ospital at sa mga pamilyang nahihirapan sa pagpapalibing.

“Buhat nang makatanggap ako ng libreng PhilHealth galing kay Mayor Romy, nabawasan na ang aking alalahanin kapag ako ay nagkakasakit kaya nagpapasalamat ako,” ani Agripina Kempis, isa sa mga tumanggap ng card.

Binigyan naman ng MSWDO ang mga senior citizen ng discount card upang makabili sila ng mas murang mga gamot at pagkain at makakuha ng diskwento sa pamasahe at serbisyong medikal.

“Nais ni Mayor Castro na higit na maramdaman ng mga mamamayan ang pagkalinga ng pamahalaang bayan kung kaya personal siyang bumababa sa mga barangay,” ani Dañes. (CLJD/VFC/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines