Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 29, 2012

Tagalog News: Paalala ng DepEd sa mga magulang, maagang pagpapatala ng mga bata para sa SY 2012-2013

ni Joselito S. Libranda

BALER, Aurora, Enero 29 (PIA) -- Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang na may mga anak edad na limang taong gulang pataas na kinakailangang maipatala ang mga ito nang maaga para sa darating na pasukan sa Hunyo.

Sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro na ang mga maagang pagpapatala ay makatutulong sa mga opisyal ng edukasyon, mga opisyal ng pamahalaang lokal at ibang sektor upang maghanda para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo, lalo na tungkol sa kinakailangang resources (mga pagkukunan).

Una dito, inihayag ng DepEd ang Enero 28 bilang “Early Registration Day (Araw ng Maagang Pagpaparehistro)” sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekondarya.

Nais ng DepEd na ang lahat ng bata mula sa gulang na lima at anim na maitala sa kindergarten at Grade 1, sa susunod na taon ng pasukan.

Gayundin, ginagawa ng DepEd na itala ang mga out-of-school children at kabataan na may edad na lima hanggang 18 taong gulang sa pormal na edukasyon o sa alternative learning system (alternatibong sistema sa pag-aaral).

Mula Enero 30 hanggang Peb. 3, inatasan ang mga paaralan na isumite ang datos sa pagpapatala sa DepEd.

Simula sa Peb. 6 hanggang Marso 6, pa-planuhin ng mga opisyal ng DepEd, batay sa datos, kung paano lulutasin ang puwang sa pagkukunan at ipatupad ang kinakailangang mga programa.

Ang mga papasok na mag-aaral na Grade 1 at unang taon sa kayskul sa susunod na school year ay masasakop ng bagong 12-year basic education cycle o K to 12 program.

Ang K+12 Enhanced Basic Education Program ay bagong kurikulum na nag-aatas na ang mga bata ay papasok sa kindergarten, anim na taon sa edukasyong elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon sa senior high school. (WLB/JSL/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines