Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 7 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 29, 2012

Tagalog News: Mga Novo Ecijano na papasok sa unang taon ng kolehiyo, hinikayat na subukan ang scholarship ng Pamahalaang Panlalawigan

ni Camille C. Nagano

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 29 (PIA) -- Nag-aalok ng scholarship ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija para sa mga mag-aaral na papasok ng unang taon ng kolehiyo sa susunod na pasukan.

Hinikayat ni Board Member Anthony Umali na magpasa ng kanilang aplikasyon ang mga estudyanteng nangangailangan ng karagdagang suportang pinansyal para sa kanilang pag-aaral.

Nakatakda sa Mayo 10 ang pagsusulit para sa mga nag-aaply sa scholarship program ng lalawigan.

Sa bagong sistema ng naturang programang pang-edukasyon, tiniyak ni Umali na pantay-pantay ang pagbibigay ng tulong pinansyal para mapalawak at dumami ang matulungang Novo Ecijano.

Ang mapapalad na makakasama sa scholarship ay magkakaroon ng P3,500 suporta kada semester.

Para sa mga mag-aapply, sinabi ni Umali na maaaring magsadya sa tanggapan ni Bot Valino, na siyang namamahala sa programang pang-edukasyon, sa ikalawang palapag ng Old Capitol Building, sa Cabanatuan City.

Samantala, nilinaw ni Valino na hindi basehan ang grado para makasama sa naturang educational assistance ang isang estudyante.

Kinakailangan lang na matiyak ng estudyante na maipapasa nito ang lahat ng kanyang subjects.

Sa mga kasalukuyang scholars, hinikayat ni Valino ang mga ito na pagbutihin ang pag-aaral at iwasang magkaroon ng bagsak na grado.

Nagpaalala si Valino na mahihinto ang pagbibigay ng tulong pinansyal kapag ang benepisyaryong mag-aaral ay may bagsak na grado sa anumang subject sa kanyang in-enrol. (WLB/CCN/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines