Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

Tagalog News: Angeles, Valenzuela pumirma ng sisterhood agreement

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG ANGELES, Pampanga, Enero 30 (PIA) -- Pumirma kamakailan ng sisterhood agreement ang mga lungsod ng Angeles at Valenzuela.

Ayon kay Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan, layunin ng kasunduan na pagtibayin ang mabuting relasyon at kooperasyon sa pagitan ng dalawang siyudad sa mga larangan ng edukasyon, agham at teknolohiya, kultura at sining, turismo, planning at urban development, trade at industry, youth welfare, isports, pangangalaga sa kalikasan, agrikultura, kalusugan, social services at disaster mitigation at preparedness.

Dagdag pa ni Pamintuan na umaasa siya na ang kasunduan ay magbibigay daan upang mapabuti ang kanilang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan lalo pa at kapwa sila kilala dahil sa mabuting pamamahala.

Inilahad ni Pamintuan na kanilang pagaaralan ang metropolis concept ng Valenzuela dahil ito ang gusto rin nilang mangyari sa Angeles sa nalalapit na hinaharap.

Samantala, sinabi naman ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian na nais nilang pag-aralan ang business at investment model ng Angeles pagkat sila ay bilib sa kumpyansa ng napakaraming malalaking mamumuhunan sa siyudad.

Noong 2010, nasungkit ng Valenzuela ang pinakamataas at ng Angeles ang ikaapat na pinakamataas na iskor sa lahat ng highly urbanized at independent component cities sa buong kapuluan sa Local Governance Performance Management System (LGPMS) ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang LGPMS ang isang online tool na nagtataya ng performance ng mga local government units sa mga larangan ng administrative, social, economic at environmental governance at fundamentals of governance kung saan napapabilang ang transparency, participation at financial accountability. (WLB/CLJD/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines