PIA Press Release Monday, January 02, 2012Tagalog News: 8 nasugatan sa paputok - PNP Camarines Norteni Rosalita Base-Manlangit DAET, Camarines Norte, Enero 2 (PIA) -- Sa pangkalahatan, naging maayos at tahimik ang pagsalubong ng Bagong tTon sa lalawigan maliban sa naitalang walong nasugatan sa paputok ang naitala ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO). Sinabi ni PSSupt. Joselito Teodoro Esquibel Jr. na naging alerto ang kanilang hanay sa nagdaang kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon kung saan ang mga kapulisan ay itinalaga sa mga checkpoints at mga mataong lugar sa lalawigan. Karamihan sa walong naputukan ay mga bata na nagpapaputok ng picollo sa pagsalubong ng bagong taon. (MAL/RBM-PIA Camarines Norte) |