Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog News: 5 naputukan noong Bagong Taon sa CamSur

ni Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Enero 3 (PIA) -- Ikinagalak ng pamunuan ng Provincial Health Office sa Camarines Sur ang mababang bilang ng mga naputukan noong pagdiriwang ng Bagong Taon patunay lamang na sumunod ang mga mamamayan sa mga tagubilin na ipinalabas ng Kagawaran ng Kalusugan na nagbabawal sa pagpapaputok na malalakas na firecrackers.

Lima lamang ang naitala sa Bicol Medical Center na mga naputukan ng mga firecrackers at karamihan ay pawang mga minor injuries lamang, samantalang patuloy na inaalam din ang bilang ng mga dinala sa ilang pribadong hospital dito.

Patunay rin ito na sinunod na lamang ng mga mamamayan ang mga tagubilin na mas makabubuting gumamit na lamang ng mga kasangkapan na tradisyunal na ginagamit sa pag iingay tuwing sasapit ang Bagong Taon, gaya ng takip ng mga kaldero, planggana, at ilan pang kahalintulad na bagay.

Wala ring naitalang kaso ng pagpapaputok ng baril mula sa mga otoridad, ayon kay Camarines Sur police director Senior Superintendent Procopio Lipana, samantalang inaalam pa niya mula sa ibat ibang munisipyo kung may naitala silang iba pang kaso matapos na selyuhan ang mga baril ng mga pulis bago sumapit ang Bagong Taon.

Sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon dito sa lalawigan ng Camarines Sur.

(MAL/LSM/DA-PIA Camarines Sur)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines