Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog News: Pagsasaayos ng mga RHUs, prayoridad ng CamSur sa 2012

ni Danilo Abad

PILI, Camarines Sur, Enero 4 (PIA) -- Isa sa mga tututukan ngayong taon ng lokal na pamahalaan ng Camarines Sur ay ang pagsasaayos ng mga rural health units (RHUs) sa ibat ibang bahagi ng lalawigan, ito ang kinumpirma ni Camarines Sur Governor Luis Raymond Villafuerte, ilang araw bago magtapos ang taong 2011.

Ayon kay Villafuerte, layunin ng naturang hakbang na masiguro na magkakaroon ng sapat na serbisyo- medikal ang mga mamamayan, partikular sa mga kostal at mga bayan na malalayo sa kabihasnan.

Ang pagsasaayos ng mga provincially-run hospital ang magsisilbi namang local counterpart ng programa ng Department of Health na Basic Emergency Maternal Obstetrics and Newborn Care. Layunin nitong mabigyan ng sapat na pansin ang mga buntis at maalalayan ito hanggang sa ito ay makapanganak.

Maliban sa Kagawaran ng Kalusugan ay makakatuwang din ng lokal na pamahalaan ang DOH/Health Facility Enhancement Program at iba pang ahensya gaya ng Agencia Espaņola Cooperacion Internacional para el Desarrollo (AECID) na mas tinutuunan din ng pansin ang mga problema sa kalusugan sa mga kanayunan.

Ilan sa mga hospital na sasailalim sa renobasyon ay ang Libmanan District Hospital, Sipocot District Hospital, Ragay District Hospital, Garchitorena Medicare Hospital, Siruma Municipal Hospital, San Ramon Municipal Hospital, Partido District Hospital, at Buhi Community Hospital.

Nauna na rito ang ilang pang RHUs sa mga bayan ng Ocampo, Caramoan, at bayan ng Tinambac.

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Ninoy Aquino na patatagin ang pangkalusugang programa ng pamahalaan sa pagtupad sa Millennium Development Goal. Isa sa mga itinataguyod nitong layunin ay ang mabawasan ang maternal mortality partikular sa mga malalayong bayan sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Matatandaang sa simula pa ng panunungkulang ng naturang gobernador, ay naging prayoridad na nito ang mga programang pangkalusugan, partikular ng mga kakabaehan at kabataan. (MAL/LSM/DCAbad- PIA Camarines Sur)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines