Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: Pulisya nagdagdag ng pwersa sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 5 (PIA) -- Sa panayam kanina kay Police Supt. Rodolfo Abella, sinabi ng bagong hepe ng Masbate City Police na umabot na sa 120 ang kabuuang bilang ng pulis na nagbabantay sa lungsod na may tinatayang populasyong 82,000. Ito aniya ay resulta ng deployment sa lungsod ng 40 police recruits sa pagpasok ng bagong taon.

Nangangahulugan ito na may isang pulis na naglilingkod sa bawat 700 tao sa lungsod. Nahigitan pa ito ang national standards na isang pulis kada 1,000 katao.

Ayon kay Abella, bahagi ng pinalakas na police force ang ilang pulis na nagsanay sa Special Weapons and Armory Tactics na tutugis sa mga itinuturing na contract killers na “riding in tandem.”

Ang pagpaslang sa isang taong nauugnay sa gambling operations sa Masbate noong nakaraang Disyembre 11 ang pinakahuling insidente sa lungsod kung saan sangkot ang naturang uri ng hired killers.

Si Abella na nanggaling sa investigation branch ng police provincial office ay nangakong sisikapin ng pulisya sa kanyang liderato na malutas ang mga unsolved killings sa lungsod.

Tututukan din aniya ang problema ng ilang barangay sa bawal na gamot upang walang bata na malulong sa droga.

Nagpahayag ng pasasalamat si Abella sa PNP regional director na si Chief Supt. Cecilio Calleja, at sa police provincial director na si Senior Supt. Heriberto Olitoquit. Ayon sa kanya ang sapat na pwersa ng pulisya ay magdudulot ng katiwasayan sa mga mamamayan at mamumuhunan sa lungsod. (MAL/EADelgado, PIA Masbate)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines