Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: 82 kaso ng paglabag sa Labor Code naitala at inaksiyonan ng DOLE sa taong 2011

ni Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Enero 6 (PIA) - Nakapagtala ng 82 kaso sa taong 2011 ang Department of Labor and Employment (DOLE) Camarines Norte laban sa reklamo ng mga manggagawa sa kanilang mga employers base sa nakasaad sa violation ng labor code.

Sa 82 kaso, 13 dito ay binawi ang kanilang reklamo sa kanilang mga employers, lima ang inihain sa National Labor Relations Commission (NLRC) dahil sa hindi magkasundo ang dalawang partido sa tanggapan ng DOLE, 64 ang naayos sa nasabing tanggapan at nabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SENA), at 91 manggagawa ang nabigyan ng monetary benefits ayon sa kanilang kaso.

Ang SENA ay bagong pamamaraan ng pag-aareglo ng lahat ng kaso na ipinatutupad ng DOLE sa pagtatalaga ng 30 araw na ayusin ang kasong naisampa, ito rin ay mabilis at hindi magastos na pag-aayos ng kaso sa paraang conciliation at mediation.

Ang hindi lang saklaw ng SENA ay ang mga usaping notice of strike and lockouts na mananatiling nasasakupan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB).

Ayon kay chief Labor and Employment officer Ruben L. Romanillos, Provincial Field officer ng DOLE dito, karamihan sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon ay separation pay, illegal deductions at non-payment/underpayment of wages, refund of cash bond, hindi pagbabayad sa kanilang overtime, at illegal dismissal ganundin ang 13th month pay.

Ito ang mga naging dahilan ng problema ng mga manggagawa sa kanilang mga employers sa mga pribadong establishemento.

Sinabi niya na mas mababa ng isa ang kasong naitala ng nakaraang taon na 82 kumpara sa 83 ng taong 2010.

Sa unang buwan ng Enero 2012 ay nakapagtala agad ang tanggapan ng DOLE ng tatlong kaso ng mga manggagawa laban sa kanilang mga employers.

Nakapaloob sa kaso ang hindi pagbabayad ng 13th month pay at ang bonus ng mga manggagawa kung saan ito ay mandatory at kailangang ibigay ayon sa Presidential Decree #851 o ang 13th Month Pay Law.

Nakasaad sa Presidential Decree #851 ang lahat ng empleyado na nasasakupan ng kompanya sa anumang posisyon, katayuan sa trabaho ay kailangang tumanggap ng benipisyo lalo na kung ito ay nakapagtrabaho na sa loob ng isang buwan ng calendar year. (MAL/RBM/ROV-PIA Camarines Norte)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines