Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 7 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog News: 2 Nagueña, pinarangalan bilang natatanging mga mag-aaral

ni Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Enero 9 (PIA) -- Mula sa 30 national finalists, namukod tangi ang dalawang estudyante mula rito sa lungsod ng Naga na mapabilang sa 2011 Search for Ten Jose Rizal Model Students of the Philippines nitong nakaraang Disyembre.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Ma. Cienna A. Jaucian, AB BSE Student ng Ateneo de Naga University at si Ma. Clarissa Lavena Bombase mula naman sa University of Nueva Caceres . Idinaos ang naturang okasyon sa Knights of Rizal Ceremonial Hall sa Metro Manila sa mismong Rizal day noong Disyembre 30.

Napabilang ang dalawa sa prestihiyosong parangal dahil sa pagpapakita ng mga ito ng kagalingan hindi lamang sa pamumuno sa kapwa nila estudyante kundi pati na rin sa kanilang pag aaral.

Si Jaucian ay aktibong lider ng Pathway Group na nangunguna sa pagtuturo sa ilang kabataan tuwing Sabado at umuupo bilang representante ng kanilang Supreme student government. Si Bombase ay hinirang naman na pangulo ng UNC Student Government at tinaguriang isang magaling na debater.

Taon taon ay pinapangunahan ng Order of the Knights of Rizal ang naturang patimpalak upang maibahagi sa lahat ng mga kabataan, partikular sa mga estudyante ang paggawa ng mga magagandang bagay na mag aangat sa kanilang kagalingan.

Ayon na rin ito sa naging buhay ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na nakilala sa kanyang talino at pagpupunyaging maiangat ang dignidad ng bawat Pilipino.

Layunin ng naturang parangal na maiparating sa mga kabataan, lalong lalo na sa mga estudyante na tularan ang mga magagandang bagay na nagawa ng ating Pambansang bayani na si Jose Rizal para sa pagsalubong sa mas magandang kinabukasan. (MAL/LSM/DAbad-PIA Camarines Sur)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines