Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 7 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Bilang ng turista sa Albay tumaas noong 2011

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 10 (PIA) -– Kinumpirma ni Department of Tourism Regional Dir. Susan Ravanilla ang pagtaas ng tourist arrival growth rate ng Albay mula Enero hanggang Hunyo ng nakaraang taon na siyang itinuturing na pinakamataas sa mga nagdaang taon.

Noong 2010, nasa 162,506 turista ang naitalang dumating sa probinsya ng Albay. Ito ay tumaas sa 234,081 turista noong 2011 at umabot sa 44 porsiyento growth rate kung ikukumpara sa 2010.

Kasama sa 44 porsiyento na dagdag sa bilang ng mga turistang dumating ay ang 51 porsiyento growth sa foreign revenue para sa unang anim na buwan ng 2011, na tumaas mula P122 milyon kita noong 2010 hanggang P180 milyon revenue na nalipon para sa sumunod na taon. Ang pagtaas na ito ay lunikha ng 836,623 trabaho para sa unang tatlong buwan pa lamang ng 2011.

Ayon kay Ravanilla, ang unang anim na buwan ng taon ay peak season kaya’t karamihan ng mga turista ay dumarating sa mga buwang ito.

“The people are the direct beneficiaries of this tourism boost," dagdag pa ng Direktor.

Karamihan sa mga foreign visitors ay galing sa bansang United States na sinusundan ng mga turistang galing sa United Kingdom na siya namang bumubuo ng karamihan sa mga turistang pumapasok sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay Ravanilla, malaki ang naitulong ng Donsol sa turismo ng Albay pagkat kadalasang sa Legazpi tumutuloy ang mga turista para maghanap ng hotels, magshopping, bar hopping at iba pang mga bagay na maari nilang gawin at subukan.

Malaking tulong din diumano ang isinagawang isang buwang pagdiriwang ng Magayon festival ni Albay Gov. Joey Salceda kasama na ang gabihang beer plaza at iba’t ibang programa at kaganapan na dinaluhan ng mga turistang galing sa loob at labas ng bansa.

Ayon pa kay Ravanilla, inaasahang tataas pa sa 2 milyon ang bilang ng mga turistang dumating sa ating bansa ng nagdaang 2011. (MAL/SAA, PIA V/Albay)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines