Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 7 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Road Worthiness Clearance sa mga operator ng traysikel, PNP ang mangangasiwa

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, January 10 (PIA) - Ibinigay na ng Local Government Unit (LGU) ng Sorsogon City ang pamamahala sa pag-isyu ng road worthiness clearance sa mga operator o may-ari ng traysikel sa lungsod ng Sorsogon City Police.

Sa naging pahayag ni Sorsogon City Police OIC Chief Edgar Ardales, natanggap na umano nito noong nakaraang linggo mula kay Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda ang isang Executive Order na nag aatas sa kanilang tanggapan na siya nang mangasiwasa sa pag-isyu ng road worthiness clearance sa mga tricycle operator upang makapamasada ang kanilang yunit sa lungsod ng Sorsogon.

Nilinaw ni Ardales na tututukan lamang nila ang mga yunit ng traysikel na ipapasada at hindi ang mga tsuper sapagkat nakaatang sa mga balikat ng operator ang responsibilidad sa pagdisiplina sa tsuper ng kani-kanilang mga pampasadang traysikel.

Subalit sinabi ng opisyal na sakaling mapag-alaman at mapatunayan nilang walang kaukulang dokumento o lisensya ang isang namamasadang tsuper ay mapipilitan ang mga naatasan o deputadong pulis na sitahin at hulihin ang mga ito.

Dagdga pa ni Ardales na pag-aaralan din nila ang mga kadalasang suliranin sa mga yunit ng ipinapasadang traysikel sa lungsod upang matugunan ito at mamantini ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng tsuper at pasahero.

At upang hindi na mahirapan ang mga operator ng traysikel sa pagkuha ng nasabing clearance, naglagay umano sila ng road worthiness clearance desk sa Sorsogon City Police Station sa Brgy. Cabid-an.

Positibo naman ang pamahalaang panlungsod na sa kamay ng Sorsogon City Police ay mas magiging maayos at malinaw ang mga transaksyong gagawin ng mga tricycle operator sa pagkuha ng kanilang road worthiness clearance upang maipasada ang kanilang traysikel. (BARecebido, PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines