Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: DPWH V aayusin na ang nasirang kalsada at imprastraktura sa Albay

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 11 (PIA/DPWH) -- Kasalukuyang natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang preconstruction and procurement activities para sa rehabilitation projects ng mga imprastrakturang nasira ng bagyo at iba pang kalamidad sa Albay na nagkakahalagang P373 milyon.

Ayon sa panayam kay DPWH V regional director Danilo Dequito, ang pondo ay galing sa Calamity Fund para sa fiscal year 2010 sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA) o RA 9970 na inilabas sa ilalim ng Special Allotment Release Order or SARO.

“With the very tight timeline, Negotiated Procurement was resorted to as authorized by DPWH Secretary Rogelio L. Singson in his Memorandum dated November 16, 2011, giving authority to Regional Directors and District Engineers to use Alternative Method of Procurement to facilitate the implementation of various DPWH infrastructure facilities damaged by typhoons and other calamities such as flashfloods and heavy rains,” tugon ng direktor ng tanungin sa posibilidad ng lapsed funding dahil sa late na pagbigay ng kaukulang budget.

Ang naibigay na halaga ay base sa damage report ng bagyong Bebeng sa iba’t ibang distrito ng Albay. Para sa Albay 1 District Engineering Office (DEO), P3 milyon ang naiulat na halaga ng mga nasirang apron and soil foundation ng tatlong barrel box culvert at isasaayos na anim na bloke ng concrete pavement sa may Daang Maharlika (DM) Jct.-Legazpi-Sto. Domingo-Tabaco-Camarines Sur Boundary Road.

Umabot naman sa P21.55 milyon ang kinakailangan ng Albay second DEO upang maisaayos ang nasirang flood control projects sa Buyuan at Mabinit at heavily silted river course sa Padang at Tagaytay Rivers.

Umabot naman sa P320.97 milyon ang naiulat para sa Albay 3rd DEO para sa mga nasirang national roads, bridges and flood control projects. Karagdagang P28.88 milyon ang naibigay sa pagsasaayos ng nasirang spillways sa Libon Albay na dulot ng bagyo.

“We do assure the Albayanos, that we adhere to the ‘Tuwid na Daan’ advocacy of this present administration. We are here to serve and give our best for public service,” ayon pa sa direktor. (MAL/SAA-PIA V/Albay)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines