Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: Ilang sistema sa operasyon ng PhilHealth muling nilinaw; pagbabago sa premium payment inanunsyo

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 13 (PIA) - Muling ipinaliwanag ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ilang mga sistema sa kanilang operasyon upang malinawan ng mga miyembro nito ang kanilang mga obligasyon at benepisyo.

Ayon kay PhilHealth Sorsogon chief Alfredo Jubilo, may tatlong uri ng sponsored membership ang PhilHealth, ito ay ang sponsorship na binalikat ng mga lokal na pamahalaan (LGU), ng Department of Health (DOH), at ng national government na may bisang isang taon at pawang natapos noong Disyembre 2011.

Sa tatlong uri ng sponsored member ng PhilHealth, tanging yaong mga binalikat pa lamang ng national government ang awtomatikong na-renew habang hinihintay pa nila ang abiso mula sa dalawa pang sponsor.

Ayon kay Jubilo, mahalagang alam ng bawat miyembro ang kanilang mga obligasyon at benepisyo nang sa gayon ay naiiwasan ang anumang mga problema at hindi pagkakaintindihan.

Sa iba pang mga kasapi ng Philhealth, ipinaliwanag niyang mas mainam na regular nitong binabayaran ang kanilang premium upang makakuha ng benepisyo sakaling maospital.

Aniya, sa mga simpleng kaso ng pagkakaospital, ang bayad sa pinakahuling kwarter bago sila maospital ang hinihingi nila, subalit sa mga kunsideradong major cases tulad ng operasyon, hinihingi nila ang pinakahuling anim na buwan ng kanilang kontribusyon. Kung hindi umano nila ito nabayaran ayon sa hinihingi nilang panahon ng kontribusyon ay wala din itong bisa at hindi nila makukuha ang kanilang benepisyo.

Dapat din umanong mapaghandaan ng bawat mag-asawa ang panganganak at huwag hihintaying kung kailan kabuwanan na at saka pa lamang magpapatala sa PhilHealth.

Samantala, kinumpirma ni Jubilo na 100 porsyento ang itataas sa singil ng PhilHealth sa premium payment ng mga voluntary member habang tatlong porsyento naman ng basic salary ng mga empleyado ang itataas simula Hulyo ngayong taon.

Nilinaw din niyang noon pang nakaraang taon ay inanunsyo na nila ang nasabing pagtaas at nailabas na rin ito sa ilang sirkulasyon ng pahayagang nasyunal. Aniya, sinadya nilang agahan ang abiso upang hindi na magulat ang mga maaapektuhan nito sakaling ipatupad na nila ang nasabing pagtaas.

Dagdag din niya na palalakasin din nila ngayong taon ang kanilang koleksyon sa mga may-ari ng negosyo, individually paying members partikular din ang mga propesyunal tulad ng mga abogado, doktor, arkitekto at iba pa. (MAL/BAR/FBT-PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines