Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: 900,000 bakawan naipamahagi sa samahan ng mga mangingisda-OPAg

ni Reyjun O. Villamonte Jr.

DAET, Camarines Norte, Enero 13 (PIA) -– Umabot sa 900,000 bakawan ang naipamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Fisheries Development Divison (FDD) sa samahan ng mga mangingisda sa mga coastal municipalites sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay senior agriculturist Danilo Guevarra ng OPAG-FDD, ang pamamahagi ay nagsimula pa noong taong 1995 hanggang 2011 sa pamamagitan ng Mangrove Rehabilitation and Conservation Project na sa ngayon ay malaking tulong sa mga benepisyaryo.

Ang 900,000 bakawan ay naitanim sa 180 ektarya sa coastal municipalities na kung saan 60-70 porsiyento dito ay nabubuhay na at napapakinabangan samantalang ang iba naman ay namamatay o nasisira sanhi ng bagyo, ayon pa rin kay Guevarra.

Idinagdag pa niya ang kahalagahan ng bakawan, na ito ay lugar kung saan lumalaki ang mga isda, hipon, at alimango at tumutulong sa produksiyon pampangisdaan sa mga katubigang baybayin at pinuprotektahan ang mga lugar at pamayanan mula sa bugso ng bagyo, malakas na agos ng tubig, at hangin ganundin pinagkukunan din ito ng kahoy, troso, at pawid na materyales sa paggawa ng bahay.

Ipinahayag naman ni supervising agriculturist Edgar Estanislao ng nasabing tanggapan na may nakalaang pondo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na P3.3 milyon para sa lalawigan ngayong taon para sa proyekto ng bakawan ang Pro-Poor and Community-Based Fisheries and Aquaculture Program.

Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang kita at hanapbuhay ang mga mahihirap na mangingisda at magkaroon ng sariling pagkukunan ng pagkain. (MAL/RBM/ROVJ-PIA Camarines Norte).

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines