Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog News: 43 kababaihan at kabataang inabuso natulungan ng social welfare office

ni Rosalita Base-Manlangit

DAET, Camarines Norte, Enero 17 (PIA) –- Natulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang 43 kababaihan at kabataang biktima ng pang-aabuso noong taong 2011 sa pamamagitan ng programa sa ilalim ng Center for Abused Women and Children.

Sinabi ni OIC Cynthia de la Cruz ng PSWDO na bagamat tumaas ang bilang ng mga biktima ng pang aabuso, may mga programang silang isinagawa upang matulungan ang mga naging biktima.

Kabilang dito ang psychological interventions at mga paraan upang maisaayos ang mga kaso nito tulad ng panayam at pagtasa ng mga kaso, pagbigay ng referral para sa dental, medical, at psychological examination at ganoon din sa therapy sa nangangailangan nito.

Nabigyan rin ng gamot ang ilang biktima, therapy sa mga bata sa pamamagitan ng paglilibang, pansamantalang tirahan, tulong edukasyon sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS), at Basic Education.

Kasama rin dito ang counseling, casework, group work, practical skills enhancement, tulong pinansiyal, pagbibigay ng referral sa lokal na pamahalaan kung tapos na ang kaso para sa suporta, at pagbibigay ng referral sa ibang kinauukulan para sa patuloy na pamamahala ng mga kaso.

Aniya, mayroong Half-Way Home na pinapatakbo ang pamahalaang panlalawigan kung saan pansamantalang dinadala ang mga kababaihan at mga kabataang naabuso.

Matatandaan rin na nagpalabas ng isang atas tagapagpaganap si Governor Edgardo Tallado sa pag-buo ng Provincial Inter-Agency Council Against Trafficking –Violence Against Women and Their Children (PIACAT-VAWC).

Ito ay base sa Section 20 ng Republic Act 9208 o Anti-trafficking in Persons Act ng 2003 at ganon din sa Section 39 ng RA 9262 o anti-violence against women and their children.

Ang PIACAT-VAWC ang nangunguna sa implementasyon ng mga programa, serbisyo, gawain na makakatulong upang maiwasan, mabigyan ng proteksiyon at matulungan ang mga biktima ng pang-aabuso sa lalawigan. (RBM/PIA Camarines Norte).

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines