Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Sign of Hope ng Germany nagpaabot ng P500,000 tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Mindanao

COTABATO CITY, Jan. 4 (PIA) --Nagpaabot ng tulong ang Sign of Hope, isang pribadong organisasyon ng bansang Aleman para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa Cagayan de Oro at Iligan bunsod ng bagyong Sendong.

Ang kalahating milyung donasyon ng Sign of Hope ay idinaan sa isang civil society organization (CSO), ang Bangsamoro Center for Justice Project (BCJP).

Ayon kay BCJP executive director Abdulbasit Benito, ang P500,000 na donasyon ay tugon sa panawagan ng tulong na ipamamahagi sa mga maraming kababayang Pinoy na biktima ng bagyong Sendong sa Hilagang Mindanao.

Ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya, ayon kay Benito ay bahagi ng suporta ng BCJP sa kampanya para sa kapayapaan sa pamamagitan ng interfaith dialogue.

“Ipinapakita natin ang pagtutulungan, ang pagpaabot ng tulong sa lubhang nangangailangan ay walang sinisino, maging Kristiyano o Muslim man,” pahayag ni Benito.

Ang halaga, ayon kay Benito ay gagamiting pambili ng pagkain, damit, trapal (tent), tsinelas at iba pang kinakailangan ng mga biktima.

Ilang kasapi ng BCJP ay kasalukuyang sinisimulan ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang biktima ng pagbaha sa Iligan City at nakatakdang magtungo sa Cagayan de Oro anumang oras para sa relief operations, ayon kay Benito. (pbchangco/PIA Cotabato City)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines