Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R12 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
120131-r12-turnover

TURNOVER CEREMONY. Outgoing regional director Ma. Gloria A. Tango (2nd from right) and assistant regional director Joel M. Gonzales (rightmost) of Department of Labor and Employment (DOLE) 12 handed the ISO certification to incoming regional director Chona M. Mantilla and assistant regional director Yahya “Yang” A. Centi on January 30, 2012 during the turnover of command of DOLE 12. Mantilla assumes as regional director on February 1. (DED/RTLacibal/PIA12)
SOCSKSARGEN Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Export market ng karneng baboy sa Dubai, target ng DA 12

KORONADAL CITY, Ene. 17 (PIA) -- May posibilidad na mabuksan ang oportunidad na makakapagluwas ng karneng baboy ang Rehiyon 12 o Soccksargen Region sa Dubai, United Arab Emirates sa mga susunod na mga araw, ayon sa Department of Agriculture.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Evelyn Jaruda, feeds and veterinary drugs control officer ng Department of Agriculture – 12 (DA-12) na kinilalang unang target ng mga produktong “pork-in-a-box” ang mga overseas Filipino workers sa Dubai.

Paliwanag ni Jaruda, ang Dubai ay isang open city kung saan maaring ipagbili ang karneng baboy . Pinakatarget umano ang mga Pilipino doon pati na ang iba pang nasyonalidad tulad ng mga Indian.

Mula sa Dubai, maari rin umanong ipagbili ang naturang produkto sa iba pang bansa kung saan may koneksyon ang kanilang mga kausap sa negosyo.

Kamakailan, ayon kay Jaruda, nagpatawag sila ng pulong sa mga magbababoy sa South Cotabato. Dumalo rin sa pulong and isang opisyal mula sa Philippine Embassy sa Dubai.

Kung matutuloy, malaking oportunidad umano ito para sa livestock industry sa Rehiyon Dose.

Inaasahan na magsisimula sa susunod na mga araw ang ‘sampling’ sa mga produktong karne ng baboy upang matiyak kung pasado ito sa mga ‘safety requirements’ ng Dubai.

Ani Jaruda, may ana-accredit na silang mga hog farms sa Rehiyon Dose na maaaring magsuplay ng pork-in-a-box. Kabilang ditto ang ilang hog farms sa General Santos City, Koronadal City at ibang bahagi ng South Cotabato. (DEDoguiles/PIA 12)

 
Latest Stories
  • South Cotabato LGU hands more chairs, tables to public schools (R12)
  • 2 Soccsksargen products chosen for country branding and international packaging dev’t (R12)
  • DSWD 12 to promote public-private partnership in its livelihood programs (R12)
  • Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging (R12)
  • Tagalog news: Seguridad sa loob ng ARMM compound lalo pang palalakasin (R12)
  • Tagalog news: Mga makinaryang panghukay dumating na sa Cotabato City (R12)
  • Tagalog news: Pamahalaang panglungsod bumili ng mahigit P60-M halagang 'dredger' (R12)
  • Gensan pushes for efficient tax collection measure (R12)
  • Tagalog news: Renewable energy solusyon sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao, ayon sa bise mayor ng Tampakan (R12)
  • Tagalog news: PNP-12 pinarangalan ang 7 retiree (R12)
  • Tagalog news:860 na pulis sa Rehiyon Dose tinaasan ang ranggo (R12)
  • Feature: Celebrating nature’s bountiful wealth in Maitum’s 5th Bangsi Festival (R12)
  • Dep Ed Regional Secretary starts reforms in DepEd-ARMM (R12)
  • PNP promotes 860 Soccsksargen police officers (R12)
  • Tagalog News: DepEd 12, umaapela sa mga magulang na iparehistro na ang mga anak (R12)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines