Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog news: Bagong gusali ng Quezon Medical Center, pinasinayaan

ni Ruel M. Orinday

LUCENA CITY, Quezon, Enero 2 (PIA) -- Pinasiyaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon kamakailan ang bagong gawang annex building ng Quezon Medical Center (QMC) sa lungsod na ito.

Kabilang sa pinasinayaan ang mga bagong silid ng CT-Scan machine, blood bank, women center, pharmacy, business office, physical clinic at canteen na matatagpuan sa annex building.

Ang mga bagong pasilidad sa nasabing ospital ay inilaan sa layuning matulungang magamot ang mga taong maysakit lalo na yaong mga mahihirap na pamilya. Ito ay kaugnay din sa pagsusulong ng programang pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan.

Noong nakaraang Disyembre binuksan na rin sa publiko ang CT-Scan machine at iba pang pasilidad sa QMC annex na ayon kay Gov. David Suarez ay malaki ang maitutulong sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap na pamilya. Tiniyak din ng gobernador na kakayanin ng mga ordinaryong pasyente ang halaga ng pagpapa CT-scan.

Ang CT-scan ay pamamahalaan naman ng mga ekspertong CT-scan technologist na sina Cecillo L. Alcaneses, radiologic technologist III; Ramel Nicodemus, technologist I; at Junver Jay Garcia, radiologic technologist I.

Ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng bagong ospital ay pinangunahan nina Bishop Emilio Marquez, Gov. Suarez at provincial health officer Dr. Agripino Tullas. (RMO, PIA-Quezon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines