Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog news: BSP- Lucena nagpa-alala ukol sa pekeng pera

LUCENA CITY, Quezon, January 2 (PIA) -- Mag-ingat sa pagtanggap ng pera dahil sa marami pa rin ang gumagamit ng mga pekeng pera, ito ang paalaala kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipnas (BSP) – Lucena Branch.

Ipinapayo ni Rogel Joseph Del Rosario, deputy director ng BSP na suriing mabuti ang salaping tinatangap upang maiwasan ang pagkakaroon ng pekeng pera.

Sa ‘new generation currency’ (NGC), ang mga bagong perang inilabas ng BSP, ay may mga nakatatak ng ‘security features’ upang matiyak na hindi maloloko ang mamamayan ng mga ‘counterfeiters.’

Ayon pa kay Del Rosario, ang mga tao na may pagdududa sa ‘genuiness’ ng natatanggap nilang pera ay maaaring sumangguni sa mga tanggapan ng BSP.

Kaugnay nito, ang BSP nagbibigay ng libreng ‘briefing’ tungkol sa “Know Your Philippine Currency and Clean Note Policy” para matutunan ang wastong paghawak at pangangalaga ng pera.

Samantala, nananawagan naman ang Lucena Bankers Association (LBA) na doblehin ang pag-iingat sa pag-withdraw ng kanilang pera sa loob man ng bangko o sa mga ATM machines.

“Maging alerto sana tayo at iwasan ang paglalagay ng maraming pera sa mga bag na dala-dala upang maiwasang mabiktima ng mga mandurukot. Hindi rin dapat pare-parehas ang oras ng pagtungo sa bangko, iwasan ang matataong lugar at huwag magpagabi sa pag-withdraw ng pera,” ayon kay Erik Villariba, dating pangulo ng LBA.

Sinabi ni Villariba na bagaman dati ay maraming modus-operandi na ginagawa sa ATM na ngayon ay hindi na nagagawan ng kalokohan, iwasan pa rin ang magwithdraw sa mga madidilim na lokasyon ng ATM.

Nagpapasalamat si Villariba dahil sa walang pangyayaring holdapan o lokohan sa pag-withdraw ng pera ang naiiulat sa kanilang samahan sa nakaraang kapaskuhan at bagong taon. (CPG, PIA4A at ulat mula sa PIA-Quezon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines