Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news: Implementasyon ng NGP sa Batangas, - PENRO

by Bhaby Mamerta Perea-De Castro

BATANGAS CITY, Enero 3 (PIA) ---Matagumpay na naipatupad sa buong lalawigan ng Batangas ang National Greening Program (NGP) na unang isinulong ng pamahalaang nasyonal, ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Jose Elmer Bascos.

“Nakamit o natupad ang target na 1,520 ektaryang lupain sa buong lalawigan na mataniman ng mga puno at ipagpapatuloy ang ‘greening’ at pagsasa-ayos ng kapaligiran," sabi ni Bascos.

Dagdag pa rito, nakipagkasundo ang kanilang tanggapan sa iba't-ibang lokal na pamahalaan, mga paaralan, barangay at pribadong sektor upang maging ‘counterpart’ nila sa pagpapalaganap ng programang ito.

Ang mga katuwang nila ang katulong sa pagmimintina ng mga itinanim na puno upang matiyak na patuloy ang paglaki at pagyabong ng mga ito. Naglaan din ng pondo para sa maintenance ng mga itinanim ng mga puno.

Kakailangang maibalik ang pagiging luntian ng mga kabundukan sa lalawigan lalo na sa bahagi ng Lobo, Nasugbu at Cuenca, ayon pa kay Bascos.

Aniya, isa ang ‘climate change’ sa mga seryosong problemang kinakaharap ng kanilang tanggapan kung kaya't matindi ang pagtutok nila sa pagsasaayos ng kapaligiran upang kung hindi man maiwasan ay mabawasan ang epekto nito.

Binanggit din ni Bascos na ang pagkakaroon ng ‘mining explorations’ sa lalawigan na hindi makakasagabal sa pagsasaayos ng kapaligiran sapagkat maliliit na butas lamang ang ginagawa upag kumuha ng ‘samples’ kung may ‘mineral deposit’ sa isang lugar. Hindi rin ito nakakasagabal sa mga programang pangkapaligiran sapagkat ‘bonded’ ang mga gumagawa nito at may nakatalagang pondo na siyang gagamitin sakaling kinakailangan ng rehabilitasyon sa naturang lugar.

Samantala, nanawagan si Bascos sa mamamayan na makipagtulungan sa kanilang mga programa sapagkat walang ibang makikinabang kundi ang mga ito. Aniya pa, nagpapasalamat siya sa media sa pagtulong sa kanilang tanggapan upang ipakalat ang mga impormasyon at kaalaman sa publiko. (MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines