Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news: Programang pangkaunlaran at paghahanda sa kalamidad, prayoridad ng Lucena

LUCENA CITY, Quezon, Enero 3 (PIA) -- Pagtutuunan ng pansin ng pamahalaang lunsod ngayong 2012 ang programa na magpapaunlad sa kabuhayan at paghahanda sa kalamidad sa lungsod.

Ilan sa mga nakahanay na pagtutuunan ng pansin ay ang pangangasiwa ng community based monitoring system (CBMS) sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG), gayundin ang pangunguna sa comprehensive development planning at muling pagsusuri sa comprehensive land-use plan (CLUP) ng lungsod.

Patuloy na palalakasin ang disaster risk reduction and management council sa pamamagitan ng paglalagay ng disaster center, community trainings, pagkakaroon ng kumpletong kagamitan sa pag-rescue, paglalagay ng isang sistema para sa response and mitigation, paghahanap ng permanenteng relokasyon para sa mga naninirahan mga baybaying ilog, pagtatayo ng mga evacuation centers maliban sa mga eskwelahan at pagpaplano para sa mas mahusay na response at mitigation sa panahon ng kalamidad.

Bukod dito, patuloy ring ipapatupad ang programa para sa solid waste management at cleaning and greening ng lungsod at ang pagpapanatili ng seal of good housekeeping na ipinagkaloob ng DILG sa pamahalaang panglunsod at pag-iibayuhin pa na mas higit na maging business friendly ang lungsod.

Sa usapin naman ng infrastructure, prayoridad ang paglalagay ng tulay sa barangay Gulang-Gulang patungong barangay Ibabang Dupay, pagsasakatuparan ng regional public market, pagtatayo ng mas maraming paaralan, pagkukumpleto ng mga access roads, feeder roads at pathways.

Patuloy rin ang pagkakaroon ng reporma sa pamamahala sa gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaroon ng biometrics, transparency, matalinong paggamit ng resources at mas mahusay na talaan ng pamamahala.

Ayon kay Mayor Barbara Ruby Talaga, nakaharap sa pamahalaang panglunsod ang panibagong oportunidad upang makapagsilbi sa mga mamamayan ng Lucena at inaasahan niya ang aktibong pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa lungsod. (PIO-Lucena/JMG, PIA-Quezon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines