Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 20 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news: P2-M halagang ‘PCF-assisted projects,’ ipinagkaloob ng DILG sa dalawang bayan sa Calabarzon

CALAMBA CITY, Laguna, Jan. 3 (PIA) -- Dalawang bayan sa Calabarzon ang pinagkalooban ng Department of Interior and Local Government (DILG)-4A ng P2 milyong tulong pinansiyal sa ilalim ng Performance Challenge Fund (PCF)-assisted projects nito.

Kinikilala ng PCF ang maayos na pamamahala ng mga lokal na pamahalaan partikular sa pagsunod sa “good housekeeping” sa larangan ng pamamahala na may kaugnayan sa mga insentibo at pahiram na pondo.

Ang mga bayang benepisaryo sa Calabarzon ay ang Mataasnakahoy sa Lalawigan ng Batangas at Pitogo sa Lalawigan ng Quezon. Bawa’t bayan na nabanggit ay nakatanggap ng tig-isang milyong pisong tulong pinansiyal mula sa PCF bilang ‘counterpart’ sa pondong inilaan ng mga pamahalaang lokal ng Mataasnakahoy, P200,000 at Pitogo, P500,000.

Sa pamamagitan ng pondong inilaan mula sa PCF, ang pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng municipal rural health center ng Mataasnakahoy ay maisasagawa na habang ang konstruksiyon ng ‘farm-to-market-road’ (FMR) sa Pitogo ay mapasisimulan na.

Isang 4th class municipality, karamihan sa kabuhayan ng mga tao sa Mataasnakahoy ay mula sa agrikultura at pangisda. Ipinagkaloob ang PCF dito dahil sa kagalingan sa ‘good planning,’ ‘valuing performance information’ na nakapaloob sa Seal of Good Housekeeping (SGHK). Ito rin ay nakakuha ng mataas na marka sa bahagi ng ‘sound fiscal management,’ at ‘transparancy and accountability.’

Sa kabilang banda, ang Pitogo na isa ring 4th class municipality at pangisda at agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga residente ay nakuha ang PCF dahil sa kagalingan din nito sa ‘good planning,’ ‘transparency and accountability,’ ‘valuing performance information,’ at ‘sound fiscal management.’

Ang PCF bilang pondong insentibo ng DILG ay isang ‘counterpart funding scheme’ para sa ‘high-impact capital investment projects’ na nasa annual investment program (AIP) at pinopondohan mula sa 20 porsyentong ng local development fund alinsunod sa ‘national goals and priorities.’ Hinihikayat nito ang pagsunod ng mga ‘local development investments program’ sa ‘national development goals and priorities’ upang makamit ang millennium development goals (MDGs). Isinisulong din nito ang ‘local economic development’ at pagsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 at Climate Change Adaptation Act of 2009.

Sa pamamagitan ng PCF, ang mga mahihirap na lokal na pamahalaan ay tutulungan sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga proyekto para sa kaunlaran ng lokal na ekonomiya at pagbabawas sa kahirapan. Gayundin, ang mga ito ay ma-eengganyo upang lalong pagbutihin ang pamamahala para makakuha ng suportang pinansiyal para sa pagpapasimula at pagpapanatili ng mga insyatibo para sa kaunlaran ng lokal na ekonomiya upang malunasan ang kahirapan sa kani-kanilang nasasakupan. (Carlo P. Gonzaga, PIA4A at ulat mula sa DILG4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines