Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Mga programang ipatutupad ng Quezon Agri Office, inihayag

ni Ruel M. Orinday

LUCENA CITY, Quezon, Enero 4 (PIA) -- Inihayag ni Roberto Gajo, panlalawigang agrikultor ang mga nakahanay na programang ipatutupad ng kanyang tanggapan simula ngayong Enero hanggang Disyembre 2012.

Sinabi ni Gajo na kabilang sa mga programang ipatutupad ay ang pagtatanim at pagpaparami ng mais at gulay. Layunin nito na maparami ang mga aanihing mais at gulay ng mga magsasaka upang sa gayun ay madagdagan din ang kita ng mga magsasaka.

Bukod dito, patuloy ding ipatutupad ng nasabing tanggapan ang salt fertilization program na naglalayon namang maparami ang mga tanim at bunga ng niyog na siyang tututulong upang mapaunlad ang industriya ng niyog sa lalawigan ng Quezon gayundin madagdagan ang kita ng mga magsasaka ng niyog.

Ayon pa kay Gajo, ipatutupad din ang konstruksiyon ng farm-to-market road (FMR) sa mga ilang mga bayan na naglalayon namang mapabilis ang pagdadala ng mga produktong agrikultura sa mga pamilihang bayan. Ang iba pang programa na patuloy na ipatutupad ay ang pagpaparami ng isda, organic agriculture at gulayan sa paaralan.

Ang paligsahan sa pagtatanim ng gulay sa ilalim ng programang ‘gulayan sa paaralan’ ay muling gagawin sa darating na Hunyo. Layunin naman nito na malabanan ang malnutrisyon sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng pagpapakain ng mga gulay sa mga bata mula sa mga inaning gulay sa mga publikong paaralan. Ito ay ipinatutupad ng tanggapan ng panlalawigang agrikultor sa pakikiisa ng Department of Education (DepEd-Quezon).

Ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. David Suarez ay buo ang suporta sa pagsusulong ng nasabing mga programa sa lalawigan. (RMO, PIA-Quezon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines