Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Paglaban sa malnutrisyon ng Calaca, muling kinilala

CALACA, Batangas, Enero 4(PIA) -- Muling kinilala ang husay ng municipal nutrition committee sa bayang ito sa natatanging ‘performance’ sa paglaban sa malnutrisyon sa katatapos na Joint CALABARZON and MIMAROPA Regional Nutrition Recognition Rites sa La Breza Hotel, Quezon City kamakailan.

Nagwagi ng 2nd place sa annual search for regional outstanding municipality in Nutrition Program Management for the Year 2010 in the CALABARZON Region at pangatlong taon na ‘Green Banner Awardee’ sa pagiging outstanding municipality in the province.

Kasabay din ng nasabing awarding ceremony, muli ding napasama sa finalist ng regional outstanding barangay nutrition scholar si Carina Atienza, barangay nutrition scholar ng Puting Bato East. Tumanggap siya ng plake at cash prize na P4,000.

Para sa kabatiran ng lahat, ang MNC ng Calaca ay tatlong taon ng nangunguna sa buong lalawigan ng Batangas mula noong taong 2008 hanggang 2010. Ito na rin ang ikalawang beses na nakuha ni Ginang Atienza ang unang pwesto sa nasabing larangan. Kung kaya’t maging sa pangrehiyon na kumpetisyon ay hindi ito nagpapahuli, sa katunayan tatlong taon na rin na humahakot ng parangal ang nasabing komite sa annual search for the best LGU performers ng Region IV-A.

Samantala, kinilala din ito sa lalawigan ng Batangas noong nakaraang Disyembre 2011, kasabay ng pagdiriwang ng Volunteers’ Service Responder’s Day sa Sports Complex ng Batangas City kung saan nagsama-sama ang mga Barangay Nutrition Scholars, Day Care Workers at Barangay Health Workers ng bawat bayan ng lalawigan ng Batangas. Dinaluhan din ito nina Gov. Vilma Santos-Recto, Vice Gov. Mark Leviste, mga Bokal ng lalawigan at mga department heads ng Kapitolyo.

Isa sa mga naging highlights ng nasabing pagdiriwang ay ang pagpaparangal sa mga natatanging Bayan sa Lalawigan na nagpakita ng magandang performance sa iba’t ibang larangan pagdating sa kung paano mapapaunlad ang kapakanan ng mga volunteer workers.

Lubos na mapalad ang bayan ng Calaca sa pagkakaroon ng tatlong beses na pagkilala sa tatlong larangan. Una para sa Day Care Service: Continuous Enhancement of Capability through in-house Trainings and Provisions of Incentives to all Day Care Workers, Pangalawa para sa mga Barangay Health Workers : Performance in Providing Quality of Service Delivery enhanced by the Utilization of Barangay Health Workers. At pangatlo para sa Barangay Nutrition Scholars: Provincial Outstanding Performer in the Local Nutrition Program Management for Three Consecutive Years 2008-2010.

Ang mga nasabing parangal ay patunay lamang sa maayos na pamumuno ng lokal na pamahalaan at pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa iisang adhikain, ang makapagbigay ng serbisyo sa mamamayan. (Calaca LGU/MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines