Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 20 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Mga katutubong Dumagat, tinatangkilik ng pamahalaang lunsod

ANTIPOLO CITY, Rizal, Enero 4 (PIA) --Tinatangkilik ng pamahalaang lungsod ang mga katutubo dahil isa ito sa mga prayoridad ni Mayor Nilo Leyble na nakapaloob sa NILO CARES program sa ilalim ng culture and tourism.

Bagama’t patuloy na nagpupulong ang city council for the welfare of Dumagats, hangad pa rin ng mga ito na maging maunlad at maibigay ang mga karapatang nararapat sa mga katutubong Dumagat.

Pinangunahan ng city social welfare and development office (CSWDO) ang isang forum at planning workshop para sa lahat ng mga lider ng mga tribo sa lunsod na ginanap sa Sitio Cabading. Kinabibilangan ng 15 tribo ang mga Dumagat sa lungsod na may mahigit kumulang sa 700 pamilya na nakapaloob sa mahigit 20 ektarya.

Ayon kay Nadeia Sarte, OIC ng CSWD, nakahanda lagi ang pamahalaan para sa mga benepisyo ng mga katutubong Dumagat at dapat ibigay sa kanila ang karampatang tulong.

“Laging sumusuporta at tumutulong sa ating mga kababayang Dumagat ang ating pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Nilo Leyble. Isa ito sa kanyang prayoridad na nakapaloob sa NILO CARES program. Hinahanap po natin ang lahat ng paraan upang maibigay natin sa kanila ang mga benepisyong nararapat sa kanila. Hindi lamang ang mapaunlad ang kanilang buhay kundi maipreserba ang kanilang kultura at tradisyon,” sabi ni Sarte.

Nakatuon ang forum at planning workshop sa mga concerns ng Dumagat. Kabilang ang pag-ulat ni Ernesto Doroteo, city coordinator ng Indigenous People’s Affair, Juju Galvez Tan, president and CEO, FPE3 ang kalalagayan ng lupain na kinasasakupan ng Marikina Watershed at kung paano ito mapoproteksyunan.

Binigyang pag-asa naman ng ni Chairperson Zenaida Brigida-Pawid ng National Council for Indigenous Person (NCIP) ang magandang plano ni Pangulong PNoy sa mga katutubo mga polisiya at programa para sa mga ito.

Sa open forum, inilabas ng mga lider ng katutubo ang mga kahilingan at mga suliranin ng kanilang nasasakupan. Nagkaroon din ng round table discussion upang maiplano ang mga gagawing programa para sa kabutihan ng mga Dumagat.

Kabilang sa mga nakibahagi sa planning workshop mula sa mga tanggapan ng CDAO, CEWMO, Dep-Ed, Budget Office, City Agriculture Office, PIO, POSD, CDRRMO, Liga President, BLGU Calawis, BLGU San Jose at iba pang NGOs. Ibinakat nila ang kanilang mga palad sa Dumagat Wall bilang tanda ng kanilang pagsuporta sa karapatan ng mga katutubo. (PIO-Antipolo/CPG, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines