Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog news: Mga negosyante pina-alalahanan sa renewal ng business permit

BATANGAS CITY, Enero 5 (PIA) -- Pinapaalalahanan muli ang mga negosyante na kumuha na o mag renew ng kanilang business permit sa unang linggo pa lamang o bago sumapit sa araw ng deadline sa January 31 upang maiwasan ang multa.

Dumagsa na naman ang mga tao sa Batangas City Hall sa unang araw ng pasukan ngayong Enero upang kumuha ng sedula, kumuha o magrenew ng business permit at magbayad ng iba pang buwis. Ang pagdagsa ng mga tao ay inaasahan sa unang linggo ng buwan ng Enero sapagkat kailangan na namang mag renew ng sedula na ginagamit sa iba’t ibang transaksyon.

Sinabi ni Ditas Rivera, business permits & licensing officer, na malaking tulong sa mga tao ang one-stop-shop na matatagpuan sa people’s quadrangle sapagkat organisado o maayos ang proseso ng pagkuha ng permit at hindi na nagsisiksikan kaya’t mas komportable ang mga tao.

Kailangan ding kumuha o magrenew ng business permit hanggang sa katapusan ng Enero upang maiwasan ang pagbabayad ng surcharge na 25 porsyento at penalty na 2 porsyento bawat buwan at pagkabalam sa pagbabayad ng permit.

Nakatulong din ng malaki ang information campaign sa mga requirements at proseso ng application para sa business permit sa media at sa mga tarpaulin na nakapaskil sa may lobby ng city hall at sa people’s quadrangle.

Ayon pa kay Rivera, habang kakaunti pa ang mga tao ay samantalahin na ang pagkuha upang hindi magkaroon ng siksikan at penalty ang mga kukuha o nag renew na pinasimulan noong January 1. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City/PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines