Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog news: 2,875 pamilya sa San Pablo, benepisaryo ng 4Ps

SAN PABLO CITY, Laguna, Enero 5 (PIA) -- Matatanggap na sa mga susunod na buwan ng 2,875 pamilya sa lungsod na benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rehiyon-4A ang humigit kumulang P15,000 tulong pinansiyal.

Sinabi ni City Social Welfare Officer Grace Adap na ang P15,000 na tulong salapi ay ibibigay lamang sa kwalipikadong pamilya na sumailalim sa mga oryentasyon, pagsertipika at pagtatala sa pagsasanay na isinagawa sa kanilang tanggapan sa pamahalaang lungsod kamakailan para sa iba't-ibang cluster (bahagi) ng may 80 bilang ng barangay sa lungsod.

Sa nabanggit na halaga, P3,000 dito ay nakalaan sa pag-aaral ng tatlong anak ng bawat pamilya.

Ang 4Ps ay poverty reduction strategy na nagkakaloob ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya na mayroong mga buntis at may tatlo anak na edad 0-14 taong gulang. Kalakip nito, ang mga benipisyaryo ay kailangang sumunod sa mga patakaran o kondisyon na nauukol sa kalusugan, masustansiyang pagkain at edukasyon na itinakda ng DSWD sa pagpapatupad ng programa.

Layunin ng 4Ps na maitaguyod ang pagkakaroon ng human capital sa mga anak (obligasyon at tungkulin) upang maputol na ang ikot ng karalitaan sa mga mahihirap. Makakatulong din ang programa upang mabigyan ng kaukulang pag-iingat (preventive healthcare) ang mga buntis at mga bata partikular upang mapataas ang bilang ng mga batang pumapasok sa paaralan.

Samantala, malaki ang naging pasasalamat ng pamunuan ng lunsod ng San Pablo sa pangunguna ni Mayor Vicente Amante sa programa ng DSWD na mapapakinabangan ng mga mahihirap na pamilya na kanyang nasasakupan. (CIO-San Pablo City/NDS, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines