Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 22 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog news: Mga batang mag-aaral ng San Pablo, kampeon sa paligsahan ng Red Cross

SAN PABLO CITY, Laguna, Enero 5 (PIA) -- Muling tinanghal na kampeon ang San Francisco District sa katatapos na 32nd First Aid and Accident Prevention Competition ng Philippine Red Cross (PRC)-San Pablo City Chapter na ginanap sa Don Enrique Bautista Elementary School (DEBES) sa barangay San Francisco sa lunsod na ito.

Pumangalawa ang Dapdapan District at ang Santo Angel District ang nakakuha ng ikatatlong puwesto. Sina San Francisco District Supervisor Rhea A. Dacara at DEBES Principal Michelle Dorado ang nag-host ng naturang kompetisyon.

Nagpasalamat si PRC Board Chairman Palermo A. Banagale sa Rotary Club of Silangang San Pablo na pinangungunahan ni Club President Rommel Ajes sa kanilang pagtulong sa San Pablo City Red Cross Chapter sa pagtataguyod ng kompetisyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tropeo at gantimpalang salapi na nakapagbigay-sigla sa mga kabataang nagsipagwagi.

Ang taunang kompetisyon ay ginaganap ng Red Cross upang mapataas ang antas ng kamalayan ng mga bata hinggil sa pagbibigay ng pang-unang lunas at higit na mahalaga ay ang pag-iwas sa aksidente.

Sa pagtatapos inaanyayahan ni Jeffrey Del Barrio, CSR-Safety Services ng Red Cross San Pablo ang iba pang paaralan na lumahok sa taunang torneo upang mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng tamang First Aid o pang-unang lunas, lalo na sa mga biktima ng aksidente. (RC-SPC Media Services/NDS, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines