Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog news: P15- M halaga na mga bagong sasakyan, ipinagkaloob sa iba’t ibang departamento ng Batangas city

BATANGAS CITY, Enero 9 (PIA) -- Humigit kumulang sa P15M ang kabuuang halaga ng 18 bagong sasakyang ipinagkaloob ng pamahalaang lunsod sa mga ibat-ibang departamento nito kamakailan.

Personal na iniabot ni Mayor Vilma Dimacuha sa mga pinuno ng ibat-ibang tanggapan ang susi ng nabanggit na mga sasakyan na makakatulong sa pagganap ng tungkulin ng mga ito pagkatapos ng flag ceremony na ginanap sa people’s quadrangle.

Tumanggap ng brand new Toyota Innova na nagkakahalaga ng P800,000 ang city market office, civil registrar’s office at general services division. Ang 11 pang tanggapan naman ay tumanggap ng Mitsubishi FB na nagkakahalaga ng P799,750.

Dalawang service vehicle ang ipinagkaloob sa city engineer’s office at Batangas City PNP.

Hangarin ni Mayor Dimacuha ang ibayong pagsuporta sa kapulisan upang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad.

Samantala, may 11 bagong motorsiklo ang inilaan upang magamit sa operasyon ng city disaster risk reduction and management council (CDRRMC).

Ang pagbabasbas sa naturang mga bagong sasakyan ay ginampanan ni Fr. Conrado Castillo, parish priest ng Basilica ng Immaculada Concepcion.

Naging lubos naman ang pasasalamat ng mga department heads kay Mayor Dimacuha at nangakong higit na pag-iibayuhin ang kanilang tungkulin at serbisyo publiko. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City/PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines