Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog news: Akreditasyon ng lahat ng ‘youth organizations’ sa Tagaytay, ipinag utos

ni Carlo P. Gonzaga

TAGAYTAY CITY, Cavite, Enero 9 (PIA) -- Nagpasya kamakailan ang konseho sa lungsod na ito na magpasa ng ordinansang nag-aatas sa lahat ng organisasyon o samahan ng mga kabataan sa lunsod na magpa-accredit sa tanggapan ng city council.

Ang city ordinance na may bilang 2011-021 na pinamagatang “Youth Accreditation Ordinance” ay isinulong ni Vice Mayor at Presiding Officer Celso P. De Castro sa nakaraang 65th regular session ng Sangguniang Panslunsod (SP).

Layunin ng batas na ma-monitor ang lahat ng aktibidades ng mga samahan ng kabataan sa lunsod upang maiwasan ang anomang kaguluhan sa hanay ng mga kabataan at sa pagpapanatili ng katahimikan sa lunsod.

Ilan sa mahahalagang nilalaman ng ordinansa ang pag-submit ng mga accredited youth organizations ng listahan ng kanilang mga opisyal at mga miyembro kasama ang tirahan at telephone numbers, minutes ng mga meeting na isinagawa, alituntunin ng kani-kanilang organisasyon, resolusyon at endorsement mula sa adviser or resolusyon ng samahan na nagpapakita ng intensiyon na magpa-accredit at listahan ng mga planong programa at proyekto.

Itinatakda rin ng ordinansa sa mga organisasyon ang pagkuha ng kinakailangan permiso sa pamahalaang lunsod bago magdaos ng anomang aktibidades, kailangan ding ipaalam sa mga miyembro nito ang mga progama ng pamahalaang lunsod at makilahok sa pagdiriwang ng youth week sa lunsod.

Base pa sa ordinansa, ang mga adviser at opisyal ng mga organisasyon ay mananagot sa anomang insidente na kasangkot ang mga ito na maaaring maging dahilan ng pagsasawalang-bisa ng kanilang akreditasyon at pagbabawalang makapagdaos ng anomang aktibidades sa buong lunsod. (CPG, PIA-4A at ulat mula sa PIA-Cavite)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines