Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Mga programang pangkabuhayan ng lungsod ng Antipolo, inilahad

ANTIPOLO CITY, Rizal, Enero 10 (PIA) -- Inihatag ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Nilo Leyble ang programang nagkakalinga at tumutulong upang patuloy na maiangat ang kabuhayan ng mga Antipoleño.

Nakatuon sa mga bata at matatanda, mga kababaihan, mga tricycle driver, mga atleta, mga miyembro ng mga kooperatiba, mga may kapansanan, mga kawani ng pamahalaan, mga guro, mga magsasaka, mga negosyante at mamumuhunan at maging ang tribo ng mga Dumagat sa liblib na kabundukan ng Antipolo ang mga programang pinasimulan nang manungkulan si Mayor Nilo.

Kabilang dito ang Cash for Work para sa maaring mag–trabaho sa City Hall, ang Executive Order No. 32 ng 2011 kaugnay sa Public Transport Assistance Program na may Memorandum Circular No. 2011–63 na kilala bilang Pantawid Pasada na para sa mga miyembro ng Antipolo City Tricycle Operators and Drivers Association Federation (ACTODAF).

Nagkaroon ng libreng pagsasanay para sa certificate sa cosmetology, meat processing, soap making, candle making, perfume making, handicrafts, massage therapy at reflexology na ang kasanayan dito ay maaring magamit na hanap – buhay sa ibang bansa.

Nagpautang din ang City Cooperative and Livelihood Office (CCLO) na nangasiwa sa mga nagsipagtapos na magkaroon ng puhunan upang makapag – negosyo. At para naman sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod maari silang maging miyembro ng Antipolo City Government Employees Credit Cooperative (ACGECCO) na bukas sa miyembro na maka–utang ng walang patubo. Kabilang pa ang mga kooperatibang kinilala at naiangat ni Mayor Nilo.

Nakasalo ang tulong financial ng Mayor na nag–apruba ng City Ordinance No. 2009–348 na naglaan ng P150,000 para sa mga pamilyang Dumagat.

Pangkabuhayan seminar at puhunan din ang hatid ni Mayor Nilo para sa mga kababaihan ng iba’t ibang barangay. Pinag–laanan din niya ng panahon ang mga Senior Citizens at mga may kapansanan. Nagsagawa rin ng feeding program, namahagi ng libreng gamit at bag pang–eskwela bilang dagdag tulong sa mga batang mag – aaral ng Antipolo katuwang ang kanyang may–bahay Atty. Menchie Leyble.

Inihatag ang mga programang pangkabuhayan para sa mga mamamayang naghangad na umani mula sa tulong na natanggap kay Mayor Nilo. Mahalagang mapa–unlad ang tulong na natanggap upang maiangat ang kabuhayan at tuluyang malabanan ang kahirapan sa Lungsod ng Antipolo. (PIO Antipolo/CPG, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines