Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog news: SEA-K association sa Quezon, nagpasalamat sa tulong puhunan na kaloob ng DSWD

ni Ruel M. Orinday

LUCBAN, Quezon, Enero 11 (PIA) -- “Magandang pagkakataon ang pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong puhunan para sa negosyo dahil matugunan ko ang aking pangangailangan at mga hangarin bilang pangulo at miyembro ng SEA-K association sa bayan ng Lucban,” pahayag ni Alfredo Moran Sr.

Si Morana ay pangulo ng Matatag Maunlad at Masayang Mamamayan (4M) SEA-K association matapos tanggapin ang tseke na tulong puhunan na nagkakahalaga ng P159,000 para sa kanilang samahan na gagamitin sa mga proyektong pangkabuhayan kagaya ng pagtitinda, pagtatanim ng gulay, pag-aalaga ng baboy at iba pang mga proyektong pangkabuhayan.

Ayon kay Morana na taga barangay Nagsinamo, Lucban, mayroon siyang 10 anak at malaking tulong ang perang matatanggap niya sa DSWD sa kaniyang negosyong pagtitinda o sari-sari store at pagbili at pagbebenta ng mga bakal at bote sa kanilang barangay sapagkat wala umanong interest ang perang ipinahihiram sa kanila ng DSWD at babayaran lamang sa loob ng isa hanggang dalawang taon.

Nangako si Morana at kanyang mga kasamahang miyembro na maibabalik nila ng maayos ang perang ipinahiram at handa rin aniya silang mag-impok pa ng puhunan at mapalago pa ng maliit na negosyo para na rin sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Pursigido rin si Morana at kanyang mga kasamahan na makarating sa level -2 ang tulong na ipagkakaloob ng DSWD kagaya ng tulong sa pagpapaayos o pagbubuo ng bahay na kasabay din sa ibibigay pang tulong puhunan sa negosyo kapag nakarating na sa level-2 ng programa. “Lubos kaming nagpapasalamat sa tulong na ito ng pamahalaan”, dagdag pa ni Morada.

Ang pagbibigay ng tseke sa mga benipisyaryo ng SEA-K program ng DSWD ay pinangunahan nina project development officer Chedita T. Lerum at at Jose B. Gorordo ng DSWD Region 4-A gayundin nina municipal administrator Jojo Raneses at MSWDO Librada C. Edan (RMO, PIA-Quezon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines