Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

Tagalog news: P37.5-M halaga ng FMR, ipinagkaloob sa Batangas

BATANGAS CITY, Enero 12 (PIA) ---Mapalad ang mga Batanguenong magbubukid dahil sa makakamit nilang P 37.5 milyong halaga ng Farm-to-Market-Road (FMR) mula sa Agrarian Reform Fund o ARF na may Special Allocation Release Order No.A-11-0027568 na nirelease noong November 21,2011 upang magamit ng mga mamamayan partikular ang magsasakang mapadali ang kanilang pagluluwas ng produkto sa mga pamilihan. Ito ang tinuran ni Engr. Meller Ali ng Department of Agrarian Reform (DAR) Batangas sa kanyang ulat hinggil sa kalagayan ng imprastraktura ng mga Agrarian Reform Beneficiaries(ARBs) sa mga kanayunan ng probinsya.

Ayon sa kanya ang pondong nakalaan ay bunga ng pagsusumikap ng apat na District Representative na sina Congressmen Tomas Apacible ng unang distrito, Hermilando Mandanas ng ikalawa, Nelson Collantes ng Ikatatlo at Mark Lleandro Mendoza ng pang-apat na distrito sa tulong na rin ni Senador Ralph G. Recto at ng Batanguenong Kalihim Virgilio Delos Reyes ng DAR.

Aniya pinakamarami ang sa unang distrito gaya ng Brgy.Caretonan FMR sa Calatagan na nagkakahalaga ng P 3 M, Brgy. Capito sa Lian P 1M, Brgy.Bundukan 1M at Reparo 2 M na kapwa nasa Nasugbu, sa Brgy. Putol ng Tuy 2 M, Brgy.Lucban 1 M at 2 M naman sa Brgy. Putol na parehong nasa Balayan, sa Brgy.Calantas ay 1M at sa Lumbang na Matanda ay 2 M na kapwa nasa Calaca at Payapa Ilaya sa Lemery na may 3 Milyon ang naipagkaloob.

Sa district II naman ay 2 M, sa Brgy. Balibago at 2 M din sa Brgy. Biga sa Lobo at P 2.5 M para sa Sto. Tomas-Laurel section phase I sa Sto.Tomas Mabini. Sa district III ay sa Brgy. Bangin, San Nicolas na nagkakahalaga ng 2.5 milyong piso. Samantalang sa district IV ay ang mga Brgy. Tangob, Sto. Toribio at Adya sa Lipa City na nakakuha ng tig isang milyong piso, tig 2 milyong piso naman ang Cawongan, Colongan at Bulihan sa Rosario, at 1.5 milyon naman sa Brgy. Munting Tubig sa Ibaan.

Sinabi pa ni Ali na magsisimula ang konstruksyon ng naturang mga FMR sa lalong madaling panahon matapos lamang ang mga dapat pang gawin ng DPWH para dito at hindi na magtatagal ay madadaanan na ang mga kalsadang nabanggit. Tinagubilinan pa niya ang mga recipient ng FMR na pag-ingatan ang mga proyekto sapagkat ito ay minsan lamang dumating sa atin, at pasalamat tayo sa ating mga Congressman, kay Sen.Recto at kay Sec.Delos Reyes sa masipag nilang pagfollow-up ng naturang mga proyekto,pagwawakas ni Ali. (DAR-Batangas/MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines