Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog news: Mananaliksik ng UPLB, napatunayang makagagawa ng organikong pampaganda mula sa gatas ng kambing

LOS BANOS, Laguna, Enero 13 (PIA) -- Napatunayan sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ng University of the Philippines (UPLB) na pinangungunahan ni N.D. Montes na maganda ang hinaharap dito at sa ibang bansa ng organikong pangpaganda at pangkalusugang mga produkto na ginamitan ng gatas ng kambing.

Batay sa ulat ng mga mananaliksik ng Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD), ang pagpoproseso ng hilaw na gatas ng kambing bilang isang produktong di nakakain tulad ng sabon ay nakapagbibigay ng mas mataas na kita.

Sa pag-aaral, sinuri ang tagumpay ng Splash Corporation at KALAPANA Company na gumagamit ng gatas ng kambing sa kanilang mga produktong pangpaganda at pangkalusugan.

Ang Splash Corporation ay kilalang nangunguna sa industriya ng pangangalaga sa balat na nahihigitan pa sa benta kahit ang matatag na negosyo ng mga "multinational". Sa kabuuang benta na lampas sa P3 bilyon at netong kita na P298 milyon noong 2007, nagbebenta ito ng 14 na mga pangkagandahang produkto na gawa sa likas na mga panglahok tulad ng "exfoliant", "anti-aging", "skin whitening lotion" "skin whitening soap" at "premium hair dye". Ang mga produktong ito ay ipinamahagi sa 25 mga bansa ng Africa, Asya, at Hilagang Amerika na binubuo ng mga 15 porsiyento ng netong benta ng kompanya.

Ang tagumpay ng kompanya ay sanhi ng malakas nitong pagsasagawa nang paglilinang, paglikha at pangangalakal ng likas na mga produkto kahit sa panahon ng pandaigdigang krisis pinansiyal. Binibigyang-diin ng Splash ang malakas na pangangasiwa, pangunguna at pagbabago ng mga produkto, "value chain efficiencies," at patuloy na pagpapabuti sa proceso ng negosyo.

Batay sa mga mananaliksik na ang Kagawaran ng Pagsasaka ay kailangang gumawa ng epektibong ugnayan sa pagitan ng pinagmumulan ng hindi pa napoprosesong gatas at mga may pabrika, at magtatag ng isang aktibong samahan sa lokal na industriya para sa produksyon ng gatas ng kambing.

Ipinapayo rin ng mga mananaliksik ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga gumagawa ng produktong pangkagandahan at pangkalusugan mula sa gatas ng kambing. Ipinapayo rin ang pagsali nila at ng mga nag-aalaga ng kambing para sa gatas sa mga lokal at "international fairs and exhibist" para mas mapahusay pa ang kanilang kakayahan. (S&T Media Service/NDS, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines