Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog news: Local anti-drug abuse councils, inilunsad ng PDEA sa Binan

BINAN CITY, Laguna, Enero 13 (PIA) -- Inilunsad kamakailan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang city at barangay anti-drug abuse councils (CADAC/BADAC) sa lunsod na ito upang makapagbigay ng epektibong mekanismo upang mapigilan ang drug abuse.

Ang pagbubuo ng anti-drug abuse councils ay bunga ng isinagawang immersion program ng PDEA Academy para sa 202 recruits na kabilang sa drug enforcement officers’ basic course class 2011-05.

Kasama sa immersion exercises ang pagsasagawa ng drug preventive education program para sa mga nag-aaral sa elementarya at high schools ukol sa mga masamang epekto ng ilegal na droga at pagpaplano para sa barangay clearing operations sa hinaharap.

Matapos naman ang sunod-sunod na pakikipagpulong sa mga lokal na opisyales, napagkasunduan ang pagbubuo ng mga anti-drug abuse council sa bawat barangay sa lunsod.

Sa seremonya ng paglulunsad na idinaos sa function room ng city hall, magkatuwang na pinangunahan din nina PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., at Binan City Mayor Marlyn B. Alonte-Naguiat ang induction ng mga miyembro ng CADACs at BADACs.

“Ang mga anti-drug abuse councils ang simple ngunit matatag na mga anti-drug groups na maaaring mabuo sa mga komunidad,” ayon kay Gutierrez. Aniya, ang mga organisasyong ito ang epektibo at episyenteng magpapapanitili ng pro-active stand laban sa mga illegal na droga. (Carlo P. Gonzaga, PIA-4A at ulat mula sa CIO-Binan)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines