Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Sunday, January 15, 2012

Tagalog News: Social pension, ipinagkaloob sa mga senior citizens

CALA, Batangas, Enero 15 (PIA) -- Natipon ang 94 na senior citizen sa bulwagan ng bahay pamahalaan ng Calaca upang tanggapin ang kanilang buwanang pension para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre kamakailan.

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng tig-P500 kada buwan o may kabuuang P3,000. Ilan naman sa kanila ay nakakuha ng pension sa loob ng isang taon na hindi agad nakuha noon.

Ang pensyong ito ay nagmula sa pamahalaang nasyunal na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga lolo’t lola na may edad 77 taong gulang pataas na wala nang kakayahang maghanapbuhay at walang natatanggap na kahit anong pension mula sa pamahalaan o pribadong ahensya. Ang naturang halaga ay pantulong pambili ng kanilang pangangailangang medikal.

Laking pasasalamat naman ng mga nakatatandang nakatanggap ng pension sa masikhay na pamamahala ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng tanggapan ng MSWD na pinamumunuan ni Gng. Maharani Babasa dahil sa mga ganitong pagkakataon ay nabibigyang pansin ang mga tulad nila.

Anila, sana ay hindi magsawa ang pamahalaan na tumulong sa mga tulad nilang matatanda at nabibilang sa mahihirap na pamilya sapagkat malaki ang tulong ng naturang pension sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa mga matatandang kinakailangang magmintina ng mga gamot para sa sakit o karamdamang pinagdadaanan.(Calaca LGU/PIA Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines