Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Sunday, January 15, 2012

Tagalog News: 1,353 residente, tumanggap ng ‘pay-out cash for training’ mula sa DSWD

ni Bhaby Mamerta Perea-De Castro

CALACA, Batangas, Enero 15 (PIA) -- Isinagawa kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A ang pamamahagi ng payout ng “Cash for Training” para sa mga magsasaka at mangingisda sa bayang ito.

Ang naturang payout na pinangunahan ng mga kawani ng DSWD Region 4A at lokal na pamahalaan ay ipinagkaloob sa may 1,353 benepisaryo mula sa 33 barangay sa naturang bayan.

Tumanggap ng tig-P1,248 ang bawat isang benepisaryo para sa nasabing programa. Ang “Cash for training, cash for work” ay isang programa ng pamahalaan kung saan pinagkakalooban ang mga magsasaka at mangingisda ng pera upang makaraos sila sa panahon na humihina ang kanilang mga kita bunsod ng panahon at pabago-bagong klima.

Layunin din nitong maibsan ang patuloy na walang habas na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ito ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa barangay kung saan tulong-tulong na isinasaayos ng mga benepisaryo ang paglilinis, pagpapaganda at pagpapanatili ng kaayusan sa kapaligiran.

Laking pasasalamat naman ng mga pinagkalooban ng naturang programa sapagkat ito ay malaking tulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang mga pamilya. (PIA Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines