Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog news: Mga pulis at sundalo sa Lucena, nagtapos ng criminal investigation course

ni Ruel M. Orinday

CAMP NAKAR, Lucena City, January 16 (PIA) ---May 68 katao na binubo ng mga pulis at sundalo ang nagtapos ng criminal investigation course na idinaos ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) noong Enero 12 sa SOLCOM covered court ng Camp Guillermo Nakar sa lunsod na ito.

Ang mga sinanay na imbestigator ay binubuo ng 51 na miyembro QPPO kabilang na ang mga nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bawat bayan at musipalidad ng Quezon, 3 ang mula sa Criminal Investigation and Detection Group, 2 mula sa Quezon Maritime Group, 1 sa Regional Training School 4A at 11 mula sa Philippine Army ng Southern Luzon Command (SOLCOM).

Dinaluhan ni QPPO Provincial Director Police Senior Superintendent Ericson T. Velasquez sa nasabing pagtatapos kasama ang mga opisyal at ilang miyembro ng nasabing tanggapan. Dinaluhan din ito ni Board Member Romano Franco C. Talaga ng 2nd District ng Quezon na siyang naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing okasyon.

Ang patuloy na pagsasanay sa mga kapulisan sa larangan ng imbestigasyon ay mahalaga upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga pulis at sundalo sa pagtupad ng kanilang tungkulin lalo na sa pagkalap at pangangalaga ng mga ebidensya.

Kasama na rin sa nasabing gawain ang Philippine Army dahil sila ay katuwang ng PNP hindi lamang sa operasyon kundi maging sa iba pang gawaing pampulisya. Ayon kay PD Velasquez ang ganitong gawain ay makakatulong upang patuloy na mapalakas ang serbisyo, dangal at hustisya ng pambansang pulisya ng Pilipinas. (RMO, PIA-Quezon at ulat mula sa QPPO)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines