Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog news: P159 libong tulong-puhunan, ipinagkaloob ng DSWD sa 4M SEA-K ng Lucban

LUCBAN, Quezon, Enero 16 (PIA) ---Tumanggap ng chekeng nagkakahalaga ng P159,000 ang Matatag Maunlad at Masayang Mamamayan (4M) Self-employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K) sa bayang ito sa pangunguna ni Alfredo Moran Sr., pangulo ng 4M SEA-K.

Ang nabanggit na halaga na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Calabarzon ay gagamitin ng mga miyembro ng 4M SEA-K sa proyektong pangkabuhayan katulad ng pagtitinda, pagtatanim ng gulay, pag-aalaga ng baboy at iba pang proyektong pang-kabuhayan.

Sinabi ni Morana na magandang pagkakataon ang ibinigay sa kanila ng DSWD upang sila ay matulungan sa kanilang pangangailangan. Aniya, malaking tulong ito para sa kanya upang maipagpatuloy ng kanyang negosyong pagititinda at pagbili at pagbebenta ng mga bakal sa kanilang barangay para masuportahan ang kanyang 10 anak.

Dagdag pa ni Morana, malaking kaluwagan din ito dahil babayaran nila ito ng walang interes sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Nangako rin ito, sampu ng kanyang mga kasamahan na ibabalik ng maayos ang perang ipinahiram. Handa rin umano ang mga ito na mag-impok ng puhunan upang mapalago ng maliit na negosyo para na rin sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Ipinahayag din ni Morana na pursigido rin ang mga ito na makarating sa level 2 ang tulong na ipagkakaloob ng DSWD, ang tulong sa pagpapaayos o pagbubuo ng bahay na kasabay din sa ibibigay pang tulong puhunan sa negosyo kapag nakarating na sa level-2 ng programa.

Samantala, taos-pusong nagpasalamat sa pamahalaan ang mga benepisaryo sa pangunguna ni Morada dahil sa kanilang natanggap ng tulong-puhunan sa pamamagtian ng DSWD. (Carlo P. Gonzaga, at ulat mula sa PIA-Quezon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines