Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog News: Mga proyektong pang-imprastraktura, prayoridad sa bayan ng Rosario

ROSARIO, Batangas, Enero 17 (PIA) -- Patuloy ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng mga proyektong pang-imprastraktura na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng bayang ito.

Ayon kay Mayor Manuel Alvarez,maraming mga proyektong pang-imprastraktura ang naisakatuparan na ng kanilang tanggapan at isa ito sa kanilang prayoridad sapagkat kapag naisaayos nila ang mga daan at tulay ay malaki din ang pag-asa na maging mas maunlad pa ang kanilang bayan.

Ilan sa mga naisakatuparan na ay ang pagsasaayos ng mga kalsada ng iba't-ibang barangay na umabot sa P2M ang halaga upang mas mapadali ang pagbyahe at paglalabas ng anumang produkto mula sa mga barangay patungo sa bayan at iba pang karatig-lugar.

Nagpalabas din ang pamahalaang bayan ng P1.2M halaga ng proyekto kaugnay ng pagsasagawa ng patubig at pagpapagawa ng mga palikuran para sa maraming pamilya sa iba't-ibang barangay.

Sa kasalukuyan naman ay isinasaayos ang training and livelihood center ng munisipyo para sa pagpapalaganap ng kasanayang pangkabuhayan.

Naglaan din ng P890,000 para sa pagpapagawa ng Disaster Risk Reduction Management Building na itatayo sa dating Day care building na nasa loob din ng bisinidad ng munisipyo.

Sinabi pa ng opisyal na may ilang proyekto pa na natapos na ang lokal na pamahalaan tiulad ng covered canal sa bahaging sakop ng Poblacion, pagpapagawa ng barangay hall, pagsasaayos ng tangke at linya ng tubig sa pamilihang bayan at pagpapakabit ng street lights sa ilang barangay.

Sa kasalukuyan may ilang mga proyekto pa ang patuloy na isinasakatuparan tulad ng pagpapasemento ng steel bridge sa Brgy. Quilib, pagpapaluwang at pagpapagawa ng kanal sa Brgy. Lumbangan, pagpapagawa ng waiting shed sa Brgy. Cahigam, pagpapagawa ng Brgy. Outpost sa Brgy. Baywang, pagsasaayos ng pader at spillway sa Brgy. Tulos at pagsasaayos ng mga pasilidad sa loob ng tanggapang bayan.

Ayon pa kay Alvarez,marami pang nakahanay na mga mungkahing proyekto at isa isa nila itong binibigyan ng panahon na pag-aralan upang makita kung alin ang mas dapat na unahin para sa kabutihan ng mga mamamayan dito. (MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines