Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog news: Mga empleyado ng munisipyo, sumailalim sa oryentasyon ukol sa ‘reproductive health program’

CALACA, Batangas, Enero 18 (PIA) ---Sinimulan ang programang “Orientasyon para sa Natatanging Abilidad ng Calaqueño-Reproductive Health Program (ONC-RHP” at sa pagkakataong ito ay hindi mga mamamayan ng barangay kundi mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang nakilahok dito.

Ito ay sa pangunguna ng municipal health office (MHO) na pinamumunuan ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona at sa pakikipagtulungan ng municipal social welfare and development office (MSWDO) at mayor’s office.

Hinati-hati ang mga empleyado sa iba’t-ibang kategorya tulad ng mga ina, ama, senior citizens at mga kabataan.

Sa unang linggo, binigyang pansin ang unang grupo ng mga ina at nagkaroon ng 44 na kalahok. Nagkaroon sila ng tatlong-araw na pag-aaral na kinapapalooban ng pangangalaga sa ina at sa sanggol, pagpaplano ng pamilya, pagpapasuso, bakuna, healthy lifestyle, good grooming, stress management, environmental sanitation, nutrition at kaalaman ukol sa iba’t ibang sakit. Hindi rin nawala ang paksa tungkol sa values formation.

Nagkaroon naman ng 16 na senior citizens na nakilahok sa senior citizens’ class kung saan tinalakay ang mga paksa tulad ng nutrition, healthy lifestyle, good grooming, senior citizens’ rights at ibat’ ibang mga sakit na maaaring maranasan ng isang tao habang tumatanda.

Sa linggong ito, magpapatuloy ang ikalawang grupo ng mga nanay na sasailalim sa mothers’ class at sa susunod na linggo ang singles’ class.

Inaasahang matatapos ito sa ika-26 ng Enero taong kasalukuyan at magpapatuloy ang pagbibigay kaalaman sa iba’t ibang barangay na sakop ng bayan ng Calaca.

Ang ONAC-RHP ay isang programa ng lokal na pamahalaan na nagsimula noong 2008 at patuloy na umiikot sa mga barangay upang turuan ang mga mamamayan na mamuhay ng produktibo, malusog at malapit sa Diyos na siyang isa sa hangarin ng pamahalaang bayan. (Ana Katrina Perez-Calaca LGU/PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines