Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog news: P430 libo halaga ng mga gamot, naipamahagi ng pamahalaang bayan

ni Bhaby Mamerta Perea-De Castro

ROSARIO, Batangas, Enero 19 (PIA) -- Umaabot sa P430,000 ang halaga ng mga iba’t ibang gamot na naipamahagi ng mga rural health units (RHU) sa bayang ito na napakinabangan ng mga mamamayan sa pangangailangan nilang medikal, ayon sa pahayag ni attorney Cipriano Asilo, municipal administrator.

Sinabi ni Cipriano na isa sa tinututukan ng kanilang administrasyon ang mga programang pang-kalusugan na patuloy na binibigyang-pansin at pinaglalaanan ng pondo.

Sa katunayan, ayon kay Cipriano, tumanggap ng pagkilala ang lokal na pamahalaan bilang may pinakamataas na ‘cure rate’ o napagamot sa regional level para sa isang bayan na may 50,000-100,000 populasyon.

Patuloy ding ipinatutupad ang mga programang makakatulong sa mga nagbubuntis kung saan nakapagtala ng may 2,420 katao ang nabiyayaan ng programa buhat ng manungkulan ang punong bayan.

Nagbibigay din ang RHU ng libreng mga bakuna kung saan ang lahat ng pumupunta dito ay napagkalooban ng karampatang bakuna at gayundin ang pagsusuri sa may 27,428 kabataan na may edad na anim na taon.

Kaugnay naman ng iba't-ibang uri ng sakit tulad ng hypertension, breast cancer, tuberculosis at iba pang sakit, may kabuuang 1,363 ang nasuri ng RHU at napayuhan upang maiwasan ang nasabing mga sakit o kaya ay tuluyang mapagaling.

Samantala, nakapagpatayo naman ng may 4,032 palikuran para sa panlipunang kalinisan o environmental sanitation.

Dagdag pa ni Asilo na sa taong ito patuloy na isasagawa ng lokal na pamahalaan ang pagsiguro sa mga ganitong serbisyo upang maging mas produktibo ang lahat ng mamamayan sa kanilang bayan. (PIA Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines