Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog news: Anti-rabies campaign sa Batangas, pinasimulan

by Bhaby Mamerta Perea-De Castro

BATANGAS CITY, Enero 20 (PIA) -- Naglunsad ng malawakang anti-rabies campaign ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng provincial veterinary office (PoVet) na pinasimulan noong Enero 10.

Bilang pasimula, inilunsad ang programa sa unang distrito ng Batangas kung saan nakapagbakuna ng may 8,840 na aso sa Calatagan sa loob ng 10 araw.

Bukod sa pagbibigay ng libreng bakuna kontra rabies sa mga alagang aso, nagsagawa din ang PROVET ng mga pulong pulong at information dissemination kaugnay sa responsableng pangangalaga ng hayop tulad ng aso at pusa. Nagbigay-kaalaman din sila sa mga mamamayan ukol sa mga dapat gawin sakaling nakagat ng isang aso at ano ang mga sintomas upang malaman kung ang isang aso ay may rabies.

Ayon sa pamunuan ng Provet, buong taon ay lilibot ang kanilang mga kawani upang makapagbigay ng ganitong serbisyo sa lahat ng barangay na sakop ng bawat bayan at distrito sa lalawigan.

Nakatakda namang isagawa ang iba pang kampanya kontra rabies sa mga susunod na bayan at araw: Enero 24-Pebrero 3, Lian kung saan nakatakdang magbakuna sa higit sa 2,000 alagang aso; Pebrero 7-17, Balayan, mahigit 700 aso; Pebrero 21-Marso 2, Tuy, 712 alagang aso; Marso 6-16, Nasugbu, 3,000 alagang aso; at Marso 22-30, Calaca na may naitalang 668 alagang aso na nakatakdang bakunahan.

Ang bawat distrito ay iikutin ng mga tauhan ng Provet sa loob ng tatlong buwan upang makamit nila ang target na makumpleto ang kampanya sa apat na distrito sa loob ng isang taon. (MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines