Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 24, 2012

Tagalog news: Coco trade fair 2012 inilunsad sa San Pablo

SAN PABLO CITY, Laguna, Enero 24 (PIA) ---Labinlimang booths ng iba't-ibang produkto at negosyo mula sa produkto ng niyog ang lumahok sa ginanap na Coco Trade Fair 2012 sa harap ng Library Hub, City Plaza na pormal na binuksan kamakailan.

Pinangunahan nina Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Susan Palo, Philippine Coconut Authority Development Manager Lanie-Lapitan at City Administrator Loreto Amante ang pagbubukas ng coco trade fair. Nakiisa rin si Jay Alvero, Director ng SPC Chamber of Commerce at mga pinuno ng Lunsod na Pamahalaan.

Batay kay City Tourism Officer, Lavinia Nunag, malaking tulong at suporta sa lahat ng panauhing nakiisa sa isinagawang pagbubukas o paglulunsad ng trade fair lalo at higit sa lahat ng negosyanteng nakilahok upang maipakilala ang kanilang mga produkto mula sa niyog. Batay pa rin sa kanya malaki ang maitutulong ng trade fair para sa kamulatan at pagpapakita ng kahalagahan ng niyog at pagpapalakas na rin ng turismo sa lunsod.

Kaugnay ng nasabing programa sa bahagi ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa pamumuno ni Lapitan ay magbibigay sila ng lubos na suporta sa lunsod tulad ng pagbibigay ng mga libreng coconut seedlings at teknikong suporta ukol sa mga peste at sakit ng niyog.

Batay sa tumatayong pinuno ng PCA, iminungkahi niya na sa susunod na pagsasagawa ng taunan trade fair ay makasama sila sa pagpaplano sapagkat nakikita niya na dapat mapunan o madagdagan ng mga produktong galing sa niyog, partikular na ang mga handicrafts. Ibinahagi rin niya na ang Lunsod ng San Pablo ang may pinakamalaking lupain sa buong Laguna na taniman ng niyog na mayroong halos 450 ektarya.

Sa panig naman ng pamunuan ng DTI sa Laguna, dapat na tangkilikin ang sariling gawa kung saan ipinakita ang mga uri o klase ng kasuotan na likha sa mga iba't-ibang bayan ng Laguna tulad ng mga produktong sapatos na gawa sa water lily, bag na gawa sa pandan, barong at bracelet na gawa sa bao.

Ayon kay DTI Provincial Director Palo na malaki ang demand ng niyog ngayon, ngunit ang suliranin sa ngayon ay kakulangan ng suplay. Dapat na madagdagan ang mga raw materials kaya malaki ang maitutulong ng PCA sa muling pagpapatanim at pagpapadami ng mga niyog.

Batay kay Direktor Palo, sila ay patuloy na nagbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan, mga teknikong pamamaraan at tumutulong sa pag-eendorso ng produkto sa merkado. (CIO-SPC/NDS, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines