Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog news: Mga proyektong pangkaunlaran, ipinapatupad sa bayan ng Lemery

LEMERY, Batangas, Enero 25 (PIA) -- Patuloy na ipinatutupad ng pamahalaang bayan dito ang mga proyektong pangkaunlaran para sa mga mamamayan kung saan isa sa prayoridad nito ang pagtutok sa larangan ng edukasyon, ayon kay Ma. Cristina Rosales, acting information officer.

Sinabi ni Rosales na sa nakalipas na limang taon ay patuloy ang pamimigay nila ng mga supplies at pangangailangan ng mga mag-aaral upang maipagpatuloy ang kanilang pagpasok.Umaabot sa 11,000 benepisaryo ang nakakatanggap ng naturang mga kagamitan mula sa mga pampublikong paaralan sa kanilang bayan.

Dagdag pa niya na sa kasalukuyan ay may scholarship program pa din sila sa mga batang may kapasidad na mag-aral sa kolehiyo ngunit walang pantustos sa kanilang matrikula kaya't isinasailalim nila sa scholarship upang makapagtapos ng pag-aaral.Sa ngayon ay may 120 kabataan ang nakikinabang sa programang ito.

Sa larangan naman ng pangangalaga sa kapaligiran ay isinasagawa nila ang waste segregation sa 16 na barangay at may kanya-kanyang Materials recovery facility(MRF) upang doon ipunin at paghiwa-hiwalayin ang mga basurang maaaring mapakinabangan pa.

Upang masiguro naman ang seguridad ng mga mamamayan sa bayang ito, naglagay din ng mga CCTV camera sa paligid ng kabayanan upang madaling mamonitor at masolusyunan ang anumang krimen na maaaring mangyari.

Patuloy din naman ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga upang mailayo ang mga kabataan sa masamang bisyo. Pinag-iibayo din ng mga tauhan ng Philippine National Police ang kanilang pakikipag-ugnayan upang mahuli ang sinumang lumabag kaugnay nito. (MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines