Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog news: OJTs mula sa mga unibersidad sa Maynila tumulong sa paglilinis sa mga Barangay sa Alaminos

ni Alan C. Ortillano

ALAMINOS, Laguna, Enero 27 (PIA) -- Ang 100 senior nutrition students mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas at iba pang pamantasan sa Maynila na sumasailalim sa on-the-job training sa apat na barangay dito ay nakikipagtulungan upang maipaunawa sa mga mamamayan ang halaga ng segregasyon ng basura o ang pagbubukod-bukod ng basura batay sa uri nito, kaalinsabay ng pagpapamulat sa kaisipan ng mga magtatanim ng gulay sa pangangailangang ang gamiting pataba sa halaman ay ang likas na abono o organic fertilizer.

Sa Brgy. San Gregorio, kapuna-puna ang kamalayan at paniniwala ng mga residente nito ang kahalagahan ng segregasyon bunga ng mga nauna ng information education campaign na isinagawa ng Sangguniang Barangay bislang pagalinsunod sa iniuutos ng Batas Republika Billang 9003.

Binigyan ng briefing ni Municipal Agriculturist Gladys d. Apostol ang mga trainees ukol sa sa tamang segregasyon batay sa umiiral na kalalagayan ng pamayanan, at kakayanan ng pangasiwaang barangay na makabili ng kagamitan para sa tamang pangangasiwa ng koleksyon ng basura.

Ayon naman kay Municipal Social Welfare and Development Officer Marissa Aguilar na gumaganap na municipal coordinator, ang konsentrasyon ng pagtulong ng mga on-the-job trainees ay hindi lamang ang kabataan, o iyong mga sumasailalim ng tradisyonal na Operation Timbang, kundi sila ay nagkakaloob din ng mga pagsasanay sa tamang pangangasiwa ng kusina o paghahanda ng pagkain ng isang mag-anak, klase para sa mga ina para magabayan sa tamang pangangalaga ng sanggol, healthy lifestyle o ang tamang mga pag-iihersesyo ng mga nakatatandang mamamayan o senior citizen upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, at huwag silang makadama ng pagkabagot sa kanilang sarili.

Ipinaaalaala ng mga trainees na ang tamang nutrisyon ay hindi lamang nakukuha sa pagkain. Malaki rin ang kaugnayan ng kapaligirang ginagalawan ng isang indibidwal para maging maayos ang kaniyang nutritional intake, sapagka’t ang masayang kapaligiran ay nakatutulong din. (Ruben E. Taningco/ACO, PIA-Laguna)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines