PIA Press Release Friday, January 27, 2012Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpayni Alan C. OrtillanoSTA. CRUZ, Laguna, Enero 27 (PIA) -- Matagumpay na idinaos kamakailan ang 14th Chapter Biennial convention ng Philippine Red Cross-Laguna Chapter na ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Lalawigan ng Laguna kamakailan. Ang nasabing gawain ay nilahukan ng mga boluntaryo mula sa iba't-ibang sangay ng Laguna Chapter ang nasabing Convention kung saan si Governor Juan Miguel Zubiri ng Philippine Red Cross ang naging panauhin pandangal. Batay kay Governor Zubiri, nagagalak siya na muli niyang nakasama ang mga volunteers ng Laguna Red Cross. Naala-ala niya na ang unang naging mensahe at pananalita niya sa unang taon niya ng pagiging volunteer ng Red Cross ay naganap dito sa lalawigan ng Laguna. Sa kanyang paunang pananalita hinikayat niya ang lahat na patuloy na pag-ibayuhin ang paglilingkod sa Lalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng Red Cross lalo na sa panahon ngayon na maraming sakuna ang nagaganap na dulot ng climate change. Panatilihin maging kabalikat at katulong ng pamahalaan ng Laguna ang Red Cross sa pagtugon sa kalamidad at sa hindi inaasahang pangyayari na idudulot nitong pinsala. Sa pagtatapos ng programa, naihalal ang mga bagong miyembro ng Board of Directors na sina: Aguila Alon-alon, Reynaldo Sabenano, Rizaldy Kalaw, Monalisa Cosme, Arnel Magpily, Elvira Arambulo, Christopher Sanji, Renato Bercades, Antonino Lu at Victoria Quiza. Ang mga nasabing nahalal ay mula sa iba't-ibang sektor gaya ng business, banking and finance, education, government, socio-civic, military and police services, at religious community kung saan nagpamalas ng husay sa kanilang larangan. (PRC-Laguna Chapter/NDS, PIA-Calabarzon) |