PIA Press Release Friday, January 27, 2012Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawiganni Alan C. OrtillanoSTA. CRUZ, Laguna Enero 27 (PIA) --Muling isasagawa ang taunan pagdiriwang ng "La Laguna Festival" na ang tema sa taong ito ng selebrasyon ay "Buhay Laguna, Uno sa Proseso, Una sa Saya." Ang La Laguna Festival para sa taong ito ay nakatakdang ganapin sa darating na Ika-15 hanggang ika-22 ng Abril sa loob ng bakuran ng bagong kapitolyo ng bayang ito . Sa isasagawang programa, ipapakita ang kultura at iba't-ibang produkto ng bawat bayan sa lalawigan, na puno ng makasaysayan alamat at tunay na produktong sariling gawa na tinatangkilik tulad ng pina barong gawa sa Lumban, buko-pie sa Los Banos, espesyal na puto sa Binan, fried itik, itlog na pula (salted eggs) at ginataan hipon sa Victoria, nililok na mga santo at iba pa sa Paete na silbing tulong sa kabuhayan ng mamamayan at pagsulong ng antas ng turismo at ekonomiya ng lalawigan. Ang festival ay maagang inilunsad ng Punong Lalawigan Jeorge "ER" Ejercito Estregan upang ito ay maayos na mapaghandaan ng mga sangay ng pamahalaang lokal. Ang La Laguna Festival ay kinilala ng Department of Tourism (DoT) na "Best Tourism Event 2011 in festival category provincial level" ng nakaraan taon. Ilan sa mga aktibidades kaugnay ng festival ay ang paligsahan sa naggagandahang karosa ng bawat bayan na sumisimbolo ng kanilang produkto, Sayaw sa Kalye, Karera ng Banka, at Pyro Musical Competition, na tunay na makakapagpasigla sa industriya ng turismo sa lalawigan at dagdag yamang ukol sa kultura at kasaysayan ng lalawigan batay kay Ma. Cristina O. Coronado ng Historical, Arts and Culture Division ng tanggapan ng Punong Gobernador. (Norida D. Sumilang, PIA-Calabarzon) |